“Kapag pinili natin ang buhay kung saan lubos tayong makapaglilingkod sa sangkatauhan, walang bigat ang makagugupo sa atin, dahil ang mga ito’y sakripisyo para sa ikabubuti ng lahat; sa gayon, hindi tayo naghahanap ng maliliit, limitado at pansariling kaligayahan, sa halip ang kaligayahan natin ay nananahan sa milyun-milyon, ang ating mga gawa ay iiral nang tahimik ngunit habambuhay na gumagampan, at sa ibabaw ng ating mga abo papatak ang nag-aalab na luha ng mga pinakadakila.” -Karl Marx
Pinakamataas na parangal at pagpupugay ang iginagawad ng Partido Komunista ng Pilipinas sa magigiting na 15 Pulang kumander at mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan-Batangas (Eduardo Dagli Command) na napaslang sa ambus ng Philippine Air Force noong Nobyembre 28 ng gabi sa bayan ng Nasugbu. Pinagpugayan din sila ng Kabataang Makabayan, laluna ang mga kasapi nitong nasawi, kasabay ng pagpupugay sa mga kabataang namartir sa nakaraang dalawang taon.
Kabilang sa 15 nasawi sina Glen Mark Aytona, Carl Espinosa Labajata, Julieto Pellazar Jr., Karla Bahasa, Henry delos Reyes, Joshua Hernandez, Evelyn Pagara Manalo, Roberto Dolendon, Alfred Cadag, Josephine Lapira, Anthony Felix at Graciella Pocaldo.
Pinagpugayan din ng National Democratic Front-Southern Tagalog (NDF-ST) ang kanilang paglilingkod at pagtatanggol sa mamamayan ng Batangas na ngayo’y sinasalanta ng matinding militarisasyon at pang-aabuso ng AFP. Ayon sa NDF-ST, pinatindi ng mga yunit ng AFP sa prubinsya ang mga operasyong militar nito sa mga nakaraang buwan.
Kabilang dito ang walang patumanggang istraping at pambobomba sa mga sibilyang komunidad. Laganap ang iligal na pagtugis at pang-aaresto sa mga aktibista at pinaghihinalaang sumusuporta sa BHB. Hinigpitan ang kilos ng mamamayan sa pamamagitan ng tsekpoynt sa kahabaan ng pangunahing mga haywey. Ang lahat ng ito ay bahagi ng desperadong pakana ng rehimen para durugin ang rebolusyonaryong kilusan at pigilan ang lumalakas na paglaban ng mamamayan sa Batangas.
Samantala, nagbigay ng pulang saludo ang Kabataang Makabayan, sa okasyon ng ika-53 na anibersaryo nito, para sa mga kabataang martir na lumahok sa digmang bayan at nag-alay ng kanilang buhay sa sambayanang Pilipino.
Sa ilalim ng rehimeng Duterte, hindi bababa sa 21 ng kabataan ang nag-alay ng buhay sa paglilingkod sa bayan. Kabilang dito sina Miguel Himor ng BHB-Sorsogon, Jeramie Garcia at Paul Aringo mula sa BHB-Quezon, Alvin Soria, Carlo Laguito, John Paul Calica, Emmanuel Canlas, Vic Nagawang at Guiller Cadano ng BHB-Central Luzon.
Hindi malilimutan ng mamamayan at buong bayan ang inialay na panahon, lakas, talino, talento, at buhay ng mga kabataang martir.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.