NPA-Batangas propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jun 15): Pagpatay sa Mayor ng Balete sangkot ang mga Sindikatong Militar (Killing of the Mayor of Balete involved a Military Syndicate)
Itigil ang Operasyong Militar sa Kanlurang Batangas!
Apolinario Matienza, Spokesperson
NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command)
14 June 2017
Pinatay si Mayor Jovencio Hidalgo ng bayan ng Balete sa pamamagitan ng pag-isnayp noong gabi ng ika-10 ng Hunyo sa bayan niya sa isang basketball court habang nanonood ng isang laro. Sa kabila ng maraming bodyguards siyang kasama ay nakuhang siyang patamaan ng isang isnayper. Ligtas na nakaalis ang mga birador na sumakay sa isang getaway van. Ang lugar na pinag-iwanan ng van ay sa Brgy. Sampaga, Balayan at ang mga bumira ay umakyat paitaas.
Walang ibang may kakayanang gumawa ng pagbirang ito kung hindi ang mga sindikatong militar na kakumpitensya niya sa mga iligal na transaksyon tulad ng paihi, gun running at diumano’y drugs. Ganito ang gawi ng mararahas na sindikatong militar na kapag nasalang ang kanilang interes ay hindi mangingiming pumatay. Ang sinakyang van ay nakilalang gamit ng mga pulis.
Planado ang ganitong pagdadala ng kanilang getaway van para mailihis ang tunay na mga kriminal at ituro sa New People’s Army ang ginawang pamamaslang. Inoperasyon ng laking platun ng pasistang militar ng 730th Combat Group ng PAF at mga elemento ng Philippine Army ang Brgy ng Coral ni Lopez. Inosente ang mga residente ng barangay at walang kinalaman sa naganap na patayan kaya hindi makatarungang isakripisyo ang katahimikan at malayang pagsasaka sa lugar.
Ang kasalukuyang kalagayan natin sa buong lalawigan ng Batangas ay may nagaganap na ‘De facto Martial Law’ kahit na ang deklarasyon ay sa Mindanao lamang dahil sa krisis sa Marawi sa grupo ng mga Maute. Palagian na ang malawakang checkpoint kahit wala pang naganap na patayan sa bayan ng Balete.
Tinutuligsa ng NPA Batangas sa ilalim ng Eduardo Dagli Command ang operasyong militar partikular sa Coral ni Lopez sa bayan ng Calaca, gayundin sa lahat ng bayan sa Batangas. Kung ito’y magpapatuloy, maoobligang tugunin ng BHB ang kahingian ng mamamayan na maglunsad ng kinakailangang mga taktikal na opensiba para ipagtanggol ang mamamayan na ang hangad lamang ay tunay na reporma sa lupa.
Itigil ang mga operasyong militar laban sa mga inosenteng sibilyan at sa nakikibakang mamamayan sa Batangas!
Pagbayarin nang mahal ang pasitang militar mula sa 730th Combat Group ng PAF at Philippine Army sa Batangas na may mga utang na dugo!
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.