Tuesday, March 21, 2017

CPP/Ang Bayan: Pagpapatuloy ng usapang NDFP-GRP

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 21):  Pagpapatuloy ng usapang NDFP-GRP (Continuation of the NDFP-GRP peacetalks)

Pinagkaisahan ng mga kinatawan ng GRP at ng NDFP na ituloy ang negosasyong pangkapayapaan at ang nakatakdang ikaapat at ikalimang pag-uusap sa Abril at sa Hunyo.

Isinagawa ang pag-uusap sa Utrecht, The Netherlands noong Marso 10 at 11 ilang linggo matapos na karakarakang ideklara ni Duterte noong Pebrero na hindi na siya makikipag-usap at na muli niyang aarestuhin ang mga konsultant ng NDFP ilang araw pagkatapos ideklara ng Partido at BHB ang terminasyon ng tigil-putukan nito.

Muling ipinadala ni Duterte ang kanyang mga kinatawan para makipag-usap sa NDFP matapos siyang makumbinse ng tuluy-tuloy na pananawagan ng iba’t ibang sektor na ituloy ang usapang pangkapayapaan bilang paraan ng pagharap sa mga usaping nasa ugat ng gera sibil sa Pilipinas.

Nilaman ng magkatuwang na pahayag ng GRP at NDFP noong Marso 11 ang pagtitiyak ng GRP sa kaligtasan at kalayaan ng lahat ng mga konsultant ng NDFP na pawang humarap sa banta ng muling pag-aresto at pagkukulong, ang pagpapalaya sa isang konsultant na muling inaresto noong Pebrero, at sa apat pang nakakulong hanggang sa ngayon.

Ipinangako rin ng GRP na palalayain nito ang 19 na bilanggong pulitikal sa batayang makatao at na patuloy nitong ipuproseso ang pagpapalaya sa iba pa.

Pinagkaisahan rin na bubuuin ang bilateral na kasunduan sa tigil-putukan na magkakabisa oras na maplantsa ang mga alituntunin at iba pang mga usapin, habang isaalang-alang ang mga lumitaw na usapin sa nakaraang halos anim na buwang tigil-putukan. Nagkasundo ring ibabalik ang naunang deklarasyon ng magkabilang panig para sa unilateral na tigil-putukan.

Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170321-pagpapatuloy-ng-usapang-ndfp-grp/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.