Tuesday, March 21, 2017

CPP/Ang Bayan: Mga misengkwentro ng mga yunit ng AFP

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 21):  Mga misengkwentro ng mga yunit ng AFP (Misencounters of AFP units)

Wari ba’y nahihibang o dahil sa sobrang desperasyon, dumarami ang multong nakikita ng reaksyunaryong mga sundalo sa tuwing silay nag-ooperasyon sa kanayunan. Sunud-sunod na mga misengkwentro na ang naganap sa pagitan ng mga tropa ng AFP mula nang mag-utos ng todo-gera si Duterte.

Noong Marso 8, alas-8:30 ng gabi, sa Barangay Budlingin, Alegria, Surigao del Norte, nag-engkwentro ang mga tropang nakahimpil ng Alpha Company ng 30th IB at ang kapwa nila tropang nagpapatrulya sa palibot nito. Namatay sa barilan si Pfc. Jhon Francis Rivera at nasugatan si Pfc. Windyl Daayata.

Ganito rin ang nangyari noong Pebrero 12 sa Purok 6, Bullocan, Laak, Compostela Valley sa pagitan ng mga yunit ng 60th IB nang magpalitan sila ng putok sa loob ng mahigit isang oras. Para palabasing mga BHB ang kanilang naeng-kwentro, kinanyon nila ang lugar matapos nito (Tingnan sa pahina 6.

Noong Pebrero 5 sa Little Baguio, Malita, Davao del Sur, nagbarilan naman ang mga tropa ng 73rd IB habang tinutugis umano nila ang mga Pulang mandirigma. Isa sa kanilang tropa ang namatay. Nanganyon din sila sa palibot ng lugar ilang araw matapos ang insidente.

May mga pangyayari ring pinutukan ng mga nahintakutang sundalo ang mga nakitang anino. Sa Brgy. Cambalidio, Libmanan, Camarines Sur, ibinalita ng mga sundalo ng 22nd IB ng 9th ID na pinaputukan sila ng BHB bandang alas-10:30 ng gabi ng Pebrero 13 gayong wala namang yunit noon ng BHB sa lugar. Sa Cabatangan, Lambunao, Iloilo, iniulat naman ng mga residente na madalas magpaputok ang mga sundalo sa palibot ng kanilang detatsment para diumano hindi makalapit ang mga pwersa ng BHB. Maliban pa ito sa maraming kaso ng mga pagpatay ng sibilyan na pinalalabas na mga mandirigma ng BHB, tulad ng sa Jebaca, Maayon, Capiz noong Pebrero 24 at Capalonga, Camarines Sur noong Marso 15 na umaani ng higit na galit ng mga residente. (Tingnan sa pahina 11.)

Dahil walang katarungan at prinsipyo ang inilulunsad nilang gera, patuloy na nahihiwalay sa mamamayan ang mga sundalong nagkakampo o nag-ooperasyon sa mga baryo sa kanayunan. Hindi kataka-takang lalong bababa ang moral ng ordinaryong mga sundalo at darami pa ang magaganap na mga misengkwentro habang nagpapatuloy ang todo-gera ng rehimen.

[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170321-mga-misengkwentro-ng-mga-yunit-ng-afp/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.