Tuesday, March 21, 2017

CPP/Ang Bayan: Mga martir sa Quezon, pinarangalan

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 21): Mga martir sa Quezon, pinarangalan (Martyrs of Quezon honored)

“Nalulungkot tayo sa pagpanaw ng mga mahal na kasama. Ganoonman, ang ating kalungkutan at pamimighati ay mapapalitan at maibabaling sa ibayong rebolusyonaryong katapangan at katatagan. Nagkakamali ang pasistang AFP at ang rehimeng Duterte sa kanilang gising na pangarap na malilipol ang lumalabang mamamayan, laluna ang Bagong Hukbong Bayan.”

Ito ang pahayag ni Ka Cleo del Mundo, tagapagsalita ng BHB-Quezon (Apolonio Mendoza Command) sa pagpupugay sa apat na Pulang mandirigma na nasawi sa engkwentro noong Marso 7 sa Sityo Umagos, Brgy. Camplora, San Andres, Quezon.

Sina Felicardo Salamat (Ka Japson/Jelmon), Paul Aringo (Ka Arki/Junpio), Jomar Resureccion (Ka Roro/Dodong) at Jeramie Garcia (Ka Ash) ay nakikipagpapulong sa bahay ng mga magsasaka ukol sa problema sa lupa at pagnanakaw ng hayop nang kubkubin sila ng 2nd Jungle Fighter Company na nasa ilalim ng kumand ng 85th IB.

Sa naturang labanan, pina-putukan ng mga sundalo sa pamu-muno ni Capt. Zander Khan Usman ang mga mgasasakang kausap ng mga Pulang mandirigma. Nagpa-putok ang mga sundalo kahit kitang-kita nilang may mga bata na na-kapaligid sa bahay. Nasugatan sa pamamaril ang sibilyang si Jennifer Yuson, 22 anyos na magsasaka. Dinala siya ng militar kasama ang kapamilya at may-ari ng bahay na kinilalang si Teteng at isa pang sibilyan na si Cristopher Redota. Maging ang pinag-bentahan ng kalabaw ay idinetine ng mga sundalo.

Si Ka Japson ay mula sa pamilyang magsasaka ng Guinayangan, Quezon, na kumilos nang pultaym sa BHB mula 1985. Isa siyang beterano ng armadong rebolusyon. Kabilang siya sa maraming tagumpay ng BHB sa paggapi sa armadong pwersa ng kaaway. Ilang ulit na rin siyang nasugatan. Dalawang ulit rin siyang nadakip ng kaaway.

Si Ka Ash ay nagmula sa isang komunidad sa tabi ng riles sa Laguna. Naging tagapangulo siya ng organisasyon ng kabataan sa kanilang barangay hanggang sa maging mahusay na lider-kabataan ng Laguna. Kasama ang ilang mga kabataan ay naging bahagi siya sa pagbubuo ng isang pangkulturang samahan at nagtanghal sa maraming mga kilos-protesta, mula prubinsya, hanggang pambansang mga aktibidad. Sa pagsapi sa ARMAS (Artista at Manunulat ng Sambayanan) sa Timog Katagalugan, taos-puso niyang isinulong ang makabayan, makamasa, at siyentipikong kultura.

Gitnang bahagi ng taong 2016 nang mag-organisa siya sa mga komunidad sa Cavite at Laguna, nakipamuhay sa mga magsasaka at mangingisda dito at gayundin sa Batangas. Sa edad na 18, sumapi si Ka Ash sa BHB-Quezon. Naging bahagi siya sa pagsusulong ng laban ng mga magsasaka para sa lupa at kabuhayan.

Si Ka Junpio naman ay nagmula sa maralitang komunidad ng Bagong Barrio sa South Caloocan. Ibinuhos niya ang kanyang panahon sa pag-oorganisa ng kabataan para pakilusin sa iba’t ibang usapin ng sektor at ng mamamayan. Naging kasapi siya ng Partido Komunista. Isa siyang masipag na upisyal sa edukasyon sa kabataan sa komu-nidad bago siya sumapi sa BHB noong 2015.

Pinarangalan siya ng KM-Quezon bilang isang magiting na kasamang may mataas na diwang panlaban. Nangunguna siya sa gawaing propaganda at pagpa-paliwanag sa masang kinikilusan ng kanyang yunit, naging mahusay na brodkaster ng Radyo Pakikibaka, at pana-panahon ding dibuhista ng Diklap, ang upisyal na pahayagan ng PKP sa Timog Quezon-Bondoc Peninsula.

Tubong Dasmariñas, Cavite naman si Ka Dodong. Sa loob ng pitong taon mula nang siya ay mamulat at naging aktibista, lagi siyang kasama sa gawaing pangkultura at pagtugon sa mga quick reaction team sa mga lugar na mayroong demolisyon sa kalunsuran at kung saan matindi ang militarisasyon sa kanayunan. Kumilos siya sa hanay ng mga magsasaka sa Palawan bago inilipat sa Quezon.

Nabilad ang mga bangkay ng apat na Pulang mandirigma bago makuha ng mga tagapagtanggol ng karapatang-tao dulot ng pagtanggi ng AFP. Hindi na halos makilala ang mga bangkay nang makuha ang mga ito.

 Binigyan ng pambayaning burol at libing ang apat na martir. Binalot ng pulang bandila ang kanilang kabaong at sa bawat paghatid sa huling hantungan ay inilunsad ang mga martsa-libing.

Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170321-mga-martir-sa-quezon-pinarangalan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.