Tuesday, June 21, 2016

Kumander ng 7ID, panauhing pandangal sa Golden anniversary ng Dinalungan

From the Philippine Information Agency (Jun 22): Kumander ng 7ID, panauhing pandangal sa Golden anniversary ng Dinalungan (7ID commander, guest of honor at the Golden Anniversary of Dinalungan)

Si Army 7th Infantry Division Commander Major General Angelito De Leon ang nagsilbing panauhing pandangal sa katatapos na Golden anniversary ng bayan ng Dinalungan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni De Leon na ang patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan, kalakip ang kapayapaang umiiral ang susi sa pagasenso ng munisipyo.

Nagsimula ang anibersaryo sa isang misang pinangunahan ni Fr. Erlito Poblete.

Ito ay sinundan ng parada ng mga kasundaluhan, kapulisan, mga kawani, guro, estudyante, at lokal na opisyal.

http://news.pia.gov.ph/article/view/611466487967/kumander-ng-7id-panauhing-pandangal-sa-golden-anniversary-ng-dinalungan

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.