From the Mindanao Examiner (May 29): Sagupaan sa Lanao Sur, walang humpay (Engagements in Lanao (del) Sur, incessant
Patuloy ang sporadic clashes sa pagitan ng militar at mga jihadists sa lalawigan ng Lanao del Sur sa magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon sa ibat-ibang sources, 2 na ang kumpirmadong nasawi sa grupo ni Abdullah Maute na lider ng Islamic State Ranao sa sagupaan na nagsimula noon nakaraang linggo pa sa bayan ng Butig.
Ngunit iginigiit naman ng Western Mindanao Command ang propaganda nitong mahigit na sa 20 ang nasawi sa grupo ni Maute, ngunit lahat ng impormasyon na inilalabas nito sa media ay pawang mga intelligence reports na walang kumpirmasyon at ang iba ay hinihinalang mga psy-ops figure lamang. Wala rin body counts o mga bangkay ng sinasabing casualties. Hindi naman sinabi ng militar kung ilan ang kanilang mga nasawing sundalo.
Sa ISIS channel naman ay inako nito ang pagpatay sa ilang mga tropa ng militar sa Lanao del Sur, ngunit tahimik naman dito ang Western Mindanao Command. Hindi rin naglalabas ng impormasyon ang pulisya sa ARMM at wala rin ibinibigay na pahayag ang pamunuan nito.
Maging si Lanao Gov. Bombit Adiong ay tahimik rin mula pa noon. Matatandaang nagsimula pa nitong taon ang opensiba ng IS Ranao at 2 umanong espiya ng pulisya na si Salvador Hanobas Tado at kapatid na si Makol Hanobas ang pinugutan nito ng ulo sa naturang lalawigan noon Abril.
Inilabas rin ng mga jihadists sa ISIS channel ang brutal na pagpatay nito sa dalawang magkapatid na kabilang sa 6 na dinukot nila sa Lanao del Sur. Ipinakita rin ng mga ito ang pugot na ulo ng magkapatid sa naturang propaganda. Pinakawalan ng grupo ang 4 – Julieto Hanobas, Alfredo Anoos, Gabriel Permites at Adones Mendez – na pawang mga sawmill operators.
Nitong Marso lamang ay pinugutan rin ng ulo ng grupong jihadist na Ansarul Khilafah ang isang lalaki na pinaghinalaang rin spy ng pulisya. Nadakip umano ang di-pa nakikilalang lalaki na umano’y taga-General Santos City habang nagiikot sa ilang mga barangay sa Sarangani.
Naglabas pa ng video ang ISIS sa karumal-dumal na pagpatay sa 43-anyos na biktimang Kristiyano ito. “This jāsūs (spy) was roaming and sniffing around the area of the Ansaru’l Khilafah Philippines in Saranggani Province,” pahayag pa ng ISIS.
Ang Ansarul Khilafah – na karamihan ay nakabase sa lalawigan ng Maguindanao at Lanao del Sur sa Autonomous Region – ay naunang nagpahayag ng suporta sa ISIS noong nakaraang taon. Kaalyado nito ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at ilang mga commanders ng Moro Islamic Liberation Front at kabilang sa mga miyembro nito ay pawing mga Indonesian at Malaysian jihadists.
http://mindanaoexaminer.com/sagupaan-sa-lanao-sur-walang-humpay/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.