Monday, May 30, 2016

11 casualties ng militar sa Lanao clash

From the Mindanao Examiner (May 30): 11 casualties ng militar sa Lanao clash (11 military casualties in Lanao (del Sur) clash

Kinumpirma ngayon Lunes ng militar na 2 sundalo ang nasawi at 9 iba pa ang sugatan sa pakikipaglaban nito sa jihadist group na Islamic State Ranao sa lalawigan ng Lanao del Sur sa magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Walo naman ang sinasabing nasawi sa panig ng IS Ranao sa ilalim ng liderato ni Abdullah Maute at naka-sentro ang sagupaan sa bayan ng Butig. Ngunit iginigiit naman ng Western Mindanao Command sa kanilang propaganda na 54 ang diumano’y napatay nito sa labanan mula pa noon nakaraang lingo.

Sa kabila ng pahayag ng militar ay wala naman maipakitang bangkay ito at wala rin nabawing katawan ng mga nasawi ang mga tropa doon.

Mahigit sa 1500 sibilyan na ang nagsilikas sa Butig sa takot na maiipit sa kaguluhan at ito na ngayon ang tinututukan ng ARMM upang mabigyan sila ng tulong o relief goods. Mismong si ARMM Gov. Mujiv Hataman ang nag-utos na bigyan ng agarang atensyon ang mga sibilyang apektado ng sagupaan.

Pinangungunahan ng Humanitarian Emergency Action and Response Team ng ARMM at Department of Social Welfare and Development ang relief assistance sa naturang lugar.

http://mindanaoexaminer.com/11-casualties-ng-militar-sa-lanao-clash/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.