From the Philippine Information Agency (May 30): Tagalog News: IP groups sa Agusan del Sur kinondena ang mga rebeldeng NPA sa karumal-dumal na pagpatay sa mga inosenteng sibilyan
Mariing kinondena ng mga indigenous peoples (IPs) sa probinsya ng Agusan del Sur ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na pumapatay umano ng mga inosenteng sibilyan, lalung-lalo na ang pagpatay sa kinikilalang peace negotiator na si Josefina Bajade ng nasabing probinsya.
Ayon kay Datu Batan-on II, pinuno ng San Francisco Tribal Leaders Cultural Association Incorporated, nanghihinayang anya siya at nang kanyang mga kasamahang IP leaders sa pagkamatay ni Josefina Bajade o Nanay Nic-Nic na walang-awang pinatay at nilinlang ng mga kasapi ng mga rebeldeng NPAs kamakailan lang sa Compostella Valley
Anya, isang ina ng mga lumad ang turing nila kay Nanay Nic-Nic na naging tapat sa tungkulin sa ilang taong panenerbisyo nito. Inaakyat umano ni Nanay Nic-Nic ang bundok para lang matugonan ang kinakailangang tulong ng mga lumad at naging mabuting facilitator sa mga miyembro ng NPA na gustong sumuko at magbagong-buhay at matulongang makapag-aral ang kanilang mga anak.
“Hindi napo kami makakahanap ng kagaya ni Nanay Nic-Nic na magaling talaga sa kanyang trabaho. Para na siyang ina sa aming mga lumad pati na rin sa mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps,” mungkahi ni Datu Batan-on.
Napag-alaman din na magpupulong-pulong ang lahat ng mga IP leaders sa probinsya at paplanuhin kung ano pa ang maaari nilang gawin o ibahagi sa pamilya ni Nanay Nic-Nic upang makamit ang hustisyang nararapat sa kanya.
Ayon naman sa dating miyembro ng NPA na si Julieto Canoy alyas Ka Boom na ang pagkamatay ni Josefina Bajade ay talagang kagagawan ng mga rebeldeng grupo na sila ring salarin sa pagkamatay ni Loreto, Agusan del Sur mayor Dario Otaza ilang buwan palang ang nakakalipas.
Pinaaalalahanan din ni Ka Boom ang lahat, lalung-lalo na ang mga miyembro ng media na iwasang magbigay suporta sa rebeldeng grupo sa anumang paraan dahil umano may dala itong pahamak sa kanilang buhay at kapamilya sa panahong matigil ang kanilang pagbigay ng suporta at kapag wala na silang silbi para sa mga NPAs.
http://news.pia.gov.ph/article/view/2041464590766/tagalog-news-ip-groups-sa-agusan-del-sur-kinondena-ang-mga-rebeldeng-npa-sa-karumal-dumal-na-pagpatay-sa-mga-inosenteng-sibilyan
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.