Noong alas-onse ng gabi ng 21 March 2014 sa Barangay Camandag, Asipulo, naglunsad ang isang team ng Nona del Rosario Command, New People’s Army- Ifugao ng harassment laban sa isang yunit ng 54thInfantry Batallion. Makalipas ang wala pang isang minuto ng pagpaputok ng mga kasama, nagkagulo ang higit-kumulang na 30 na militar na kasalakukuyan noon ang paglalasang sa tabi ng school building at barangay clinic.
Alinsunod sa pinagkaisahang patakaran, sinikap ng mga Pulang Mandiurigma na huwag tamaan ang mga istruktura. Batay sa ulat ng masa, dalawa ang sugatan sa mga militar at kritikal ang klagayan ng isa.
Tinatawag na “Peache and Development Team” ang yunit na hinarass ng BHB. Sila raw ay hindi “panlaban” dahil ang kanilang trabaho ay ipatupad ang OPLAN BAYANIHAN. Magtatayo di umano sila ng eskwelahan sa Barangay. Ngunit hindi naniniwala ang masa sa kasinungalingang ito ng mga militar dahil bukod sa dala ng mga ito na malalakas na armas at bala, nagbaon pa ang mga ito ng napakaraming bote ng alak sa pagpunta nila sa nasabing baryo. Dinumihan at sinira pa ng mga ito ang eskwelahan na pinagkampuhan nila at namaril ng isang kambing.
Mahabang Rekord ng Pasismo ng AFP
Ang Baryo Camandag ay isa sa mga barangay na palagian nang pinupuntahan ng mga mersenaryong Hukbo. Noong 2010, nauna nang pumakat ang 54th IB sa Ifugao. Matagal silang nagkampo sa sityo Pihipi, kung saan nakatayo ang isang high school. Bukod sa paghihikayat sa mga kabataan na pumasok sa kontra-mamamayang trabaho nila at panliligaw sa mga dalaga doon, iyon din ang tiempo na lumaganap ang balita na tuwang tuwa ang mga militar dahil P200 lang ang halaga ng mga babae sa Asipulo. Noong March 2011, pinutol ng mga elemento ng 86th IB ang mga puno ng kape sa lugar na walang paalam nilang pinagkampuhan.Noong Oktubre 2013, pagkatapos ma-encounter ang yunit ng NDRC, pinagbabaril at inatake ng 54th IB ang mga kabahayan sa sity Binablayan, sinunog nila ang sahig na yari sa kawayan ng isang bahay, sinulatsulatan ang mga pader, sinira ang mga pilapil at tanim na palay at hinarang ang masa na maka-uwi para makuha ang kanilang mga anak.
Ilan lang ito sa mahaba at madugong listahan ng pang-aabuso ng mga militar. Combat man o civil-military na operasyon, biktima ang mamamayan sa panggugulo nila sa kapayapaan- pananakot, walang basehang pagsusupetsa sa mga sibilyan bilang mga rebelde, pambabastos sa kababaihan, walang paalam na pagpasok sa mga kabahayan, pagnanakaw at paninira ng mga tanim at iba pang pag-aari ng masa, basta-basta na pambobomba, pagharang sa mga proyektong pangkabuhayan ng masa at iba pang paglabag sa karapatang pantao.
Hindi katakataka na dahil sa ganitong mga gawain ng mga hambog na militar, malayo ang loob ng masa sa kanila. Sa halip ay ang masa mismo ang kumikilos para sila ay palayasin sa kanilang lugar. Sa sityo Landing kung saan naroon ang Elementary School, halimbawa, mariing ipinapahayag ng mga magulang at guro na ayaw nilang magkampo doon ang mga militar kaya’t nais nila silang palayasin.
Tunay na Bayanihan: Pagtutulungan ng NPA at Mamamayan
Kasaysayan na ang magpapatunay na ang Bagong Hukbong Bayan ang tunay na kaakibat ng mamamayan sa makabuluhan at pangmatagalang pagbabago. Sa Barangay Camandag, halimbawa, kasama ng masa ang Hukbo sa matalas na pagsusuri sa katangian ng proyektong hydropower plant ng SN Aboitiz Power. Sa gabay ng mga rebolusyonaryong organisasyon ng mamamayan, nagkaisa ang masa na ipaglaban ang kanilang karapatan bilang pambansang minorya para sa sariling pagpapasya.Kasabay nito, alinsunod sa prinsipyo ng pagsandig sa sariling kakayahan, hukbo ang kaakibat ng masa sa pag-abante ng rebolusyong Agraryo upang itaas ang antas ng kanilang produksyon at kabuhayan.
Sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay pinatutunayan ng NPA ang walang humpay nitong pagsisilbi sa malawak na mamamayan. Masigla itong nakikipag-aralan sa masa sa kanilang pang-ekonomiya at pampolitikang kalagayan at nakikibahagi sa trabaho sa p[roduksyon habnag isinusulong ang rebolsuyonaryong kultura na kinakailangan sa pagtatagumpay ng Pambansa-Demokratikong Rebolusyon, at bilang Hukbong panlaban, nakahanda itong dusahin ang mga abusadong tropa ng militar na nagdadagdag sa problema ng mamamayan.
Wasto ang Demokratikong Rebolusyong Bayan na isinusulong ng Bagong Hukbong Bayan. Dapat lamang na singilin ng mamamayan ang mga berdugong militar sa kanilang mga kasalanan sa kanila at hadlangan ang anumang pagtatangka na mamalagi ang mga ito sa mga pampublikong lugar tulad ng school building, baranagay hall clinic at iba pa. Dapat lamang na pagtulungan ng BHB at masa ang pagbigo sa mga layunin ng militar at dusahin ang armadong tropa nito na nagpapahirap sa kanila. Sa pagtutulungan ng masa at Hukbo, maisisiguro ang tagumpay ngt DRB na siyang tanging solusyon sa problema ng lipunang Pilipino.
Biguin ang Oplan Bayanihan!
Iabante ang Digmang Bayan!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140331_ilantad-at-labanan-ang-bulok-at-mapagpanggap-na-oplan-bayanihan
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.