Tuesday, September 26, 2023

CPP/NPA-Masbate: Panagutin ang 2nd IBPA, Filminera at ang rehimeng Marcos Jr sa pagbomba at pagwasak sa buhay at kabuhayan ng masang Masbatenyo

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Sep 23, 2023): Panagutin ang 2nd IBPA, Filminera at ang rehimeng Marcos Jr sa pagbomba at pagwasak sa buhay at kabuhayan ng masang Masbatenyo (Hold the 2nd IBPA, Filminera and the Marcos Jr regime accountable for bombing and destroying the lives and livelihoods of the Masbatenyo masses)
 


Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

September 23, 2023

Tuluyan nang pinakawalan ng 2nd Infantry Battalion at 96th Infantry Battalion-Phil. Army sa atas ng Filminera-Masbate Gold Project ang 46 na bomba gamit ang bagong Howitzer 105 mula sa kanilang kampo sa Barangay Panicijan, Uson upang wasakin ang bundok Bagulayag.

Una nang binomba ng militar ang bundok Bagulayag na nagsimula nitong Setyembre 23-24. Araw at gabing niyanig ang bundok sa malalakas na putok ng bomba.

Magkahalong takot at galit ang naramdaman ng masa dahil sa ginawang pagwasak sa kanilang sanktwaryo at pinagkukunan ng kabuhayan. Maraming hayop ang napatay at nagkandabuwal ang mga kaniyugan at punongkahoy.

Subalit, mawawala lang ito sa isang iglap dahil sa pagwasak ng militar at kumpanyang Filminera at kawalan ng aksyon ng gubyerno at mga lokal na upisyal.

Si Marcos Jr at Sara Duterte ang utak sa pambubomba. Sa halip na ayuda sa mga magsasaka, nilaan ang pondo ng taumbayan sa mga kagamitang tulad ng howitzer cannon. Sang-ayon ito sa bagong National Security Policy na naglalayong mas patindihin pa ang terorismo ng estado sa tabing ng kontra-insurhensya.

Ipinasaksi mismo sa mga alkalde ng ikatlong distrito ang panganganyon bilang umano’y hakbangin laban sa NPA.

Saanmang ligal o moral na batayan, walang katwiran ang naturang panganganyon. Labag ang naturang panganganyon sa internasyunal na makataong batas.

Palibhasa, makikinabang sila sa anumang mahuhuthot na kayamanan ng Filminera-MGP Masbate kahit ikakapahamak at ikakawasak ng buhay at kabuhayan ng masang Masbatenyo.

Tiyak na ikinatuwa ni Gov. Antonio Kho ang ginawang pagbomba sa bundok ng Bagulayag. Isa si Kho sa nagbigay pahintulot sa ekspansyon ng Filminera-MGP. Takam na takam na ang gubernor sa makukuha nitong suhol at kurakot mula sa naturang mapaminsalang mina.

Tanging ang sariling pagkakaisa at lakas ng masang Masbatenyo ang kanilang sandigan upang labanan ang tuluyang pagwasak sa kanilang kabuhayan at lugar. Hinihikayat ng pamprubinsyang kumand ng Masbate ang lahat ng Masbatenyong nagmamalasakit at nagmamahal sa kanilang prubinsya na makiisa at hadlangan ang tuluyang pagwasak sa ating minamahal na Masbate.

Aashang palaging kaisa ng masang Masbatenyo ang Jose Rapsing Command-NPA Masbate sa paglaban sa mga militar at kumpanyang Filminera. Palagi nitong tinatanganan ang mandatong paglingkuran at ipagtanggol ang interes, kapakanan, buhay at kabuhayan ng mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan buhay man ang iaalay kung kailangan.

Hindi titigil ang buong rebolusyonaryong kilusan kasama ang malawak na masa sa pagsusulong ng armadong pakikibaka na siyang tanging solusyon upang mawakasan ang paghahari-harian ng mga dayuhang korporasyon kasabwat ang mga militar at lokal na naghaharing uri na ngayon ay si Marcos Jr ang pangunahing kinatawan.

Patuloy rin na nananawagan ang JRC-NPA Masbate sa mga Masbatenyo na lumahok sa armadong paglaban. Tanganan natin ang armas at sama-sama nating durugin ang malakolonyal at malapyudal na sistema ng ating bansa na pinaghaharian ng imperyalista, burukrata-kapitalista at panginoong maylupa.#

https://philippinerevolution.nu/statements/panagutin-ang-2nd-ibpa-filminera-at-ang-rehimeng-marcos-jr-sa-pagbomba-at-pagwasak-sa-buhay-at-kabuhayan-ng-masang-masbatenyo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.