Patnubay de Guia
Spokesperson
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
September 22, 2023
Nakikiisa ang NDFP-ST sa panawagan ng malawak na mamamayang Pilipino na buwagin na ang teroristang NTF-ELCAC at ilipat ang pondo ng ahensya pati ang mga confidential and intelligence funds sa higit na kapaki-pakinabang na mga programa at serbisyong panlipunan sa bayan. Marapat na patuloy na magbuklod ang mamamayang Pilipino para igiit at ipaglaban ito sa harap ng walang puknat na panunupil at kampanyang supresyon ng ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte.
Dapat itong ipatambol lalo ngayong nalantad ang papel ng NTF-ELCAC sa pagdukot, panghaharas, pagtotortyur, pamimilit na sumuko at iba pa sa mga aktibista na pinatotohanan ng mga biktimang sina Jhed Tamano at Jonila Castro. Matatandaang nawawala sina Tamano at Castro mula Setyembre 2 at inilitaw noong Setyembre 19 sa isang press conference na pinangunahan ng NTF-ELCAC at 70th IBPA sa Plaridel, Bulacan.
Taliwas sa inaasahan ng AFP na ipresinta ang dalawa bilang mga “sukong NPA”, matapang na isinalaysay nina Tamano at Castro ang totoong nangyari sa kanila. Sinabi nilang sila ay dinukot ng mga militar at habang nakapiit sa loob ng kampo ay sapilitang pinapirma ng deklarasyong pagsuko sa isang affidavit. Kahanga-hanga ang ipinakitang katatagan nina Tamano at Castro sa gitna ng pang-aatake ng militar. Dapat silang tularan ng malawak na nakikibakang mamamayan.
Batay sa independyenteng imbestigasyon ng mga taong simbahan at grupong tagapagtanggol ng karapatang tao, dinukot sina Tamano at Castro ng apat na armadong lalaki habang naglalakad sa palengke ng Orion, Bataan gabi ng Setyembre 2. Inilahad ng mga saksi na binantaan sila ng mga lalaki na papatayin kung tutulungan ang dalawang babae. Isinalaysay pa nila na naiwan pati ang mga tsinelas ng mga biktima nang sila ay dukutin.
Sa pagkalantad, kasuklam-suklam ang pakana ng AFP-PNP at NTF-ELCAC sa pagdedepensa ng kanilang krimen at pilit na pagbabaliktad sa salaysay nina Tamano at Castro. Sila pa itong may gana na kasuhan ang mga biktima sa harap ng maliwanag pa sa sikat ng araw na katotohanan ng ginawang paglabag sa karapatang pantao ng mga militar na ito. Walang naniniwala sa mga pambabaluktot ng AFP. Malinaw sa mamamayan ang modus ng militar na pagdukot sa mga aktibista, pagtortyur hanggang sa piliting sumuko o patayin.
Pinatunayan sa kaganapan na hindi kinakailangan ng mamamayan ang magnanakaw, mandurugas, iligal na nang-aaresto, kidnapper, mamamatay-tao, sinungaling at manggagantsong AFP-PNP at NTF-ELCAC. Sila ang totoong banta sa kaligtasan ng bayan, lalo ng mamamayang nakikibaka.
Hindi dapat tustusan ng pera ng bayan ang mga kriminal na operasyon ng NTF-ELCAC. Dapat ding tutulan ang paglalagay ng mga lihim na pondo ng militar sa loob ng mga ahensya dahil malamang na ginagamit ito para ipahamak ang mga sibilyan gaya ng nangyari kina Tamano at Castro. Maaaring ginagasta ng AFP-PNP at NTF-ELCAC ang pondo sa mga sikretong pasilidad at iba pang mga gastusin sa kanilang mga pailalim na operasyon para tiktikan, dukutin hanggang patayin ang mga nire-red-tag na aktibista at iba pang nakikibakang mamamayan.
Patuloy na palakasin ang panawagang alisan ng pondo ang NTF-ELCAC at ilaan ito sa serbisyong panlipunan. Malinaw na walang patutunguhan ang alokasyon nitong P9.7 bilyon mula sa 2024 pambansang badyet kundi sa ibayong karahasan. Nananawagan ang NDFP-ST sa mga tunay na lingkod-bayan na pakinggan ang kahilingan ng mamamayan at ilaan na lamang ang pondo ng militar sa iba pang mga serbisyong kapaki-pakinabang sa bayan.
Nararapat na magkaisa ang mamamayang Pilipino para patuloy na ipanawagan ang hustisya sa mga paglabag ng estado sa karapatang tao. Palakasin ang mga kampanya ng pagpapalayas ng mga pwersang militar sa mga komunidad, pagpapanagot sa mga kriminal na AFP-PNP at iba pa.###
https://philippinerevolution.nu/statements/hustisya-para-sa-mga-biktima-ng-terorismo-ng-estado-ntf-elcac-buwagin/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.