Spokesperson
NPA-East Cagayan
NPA-Cagayan (Henry Abraham Command)
Cagayan Valley Regional Operational Command (Fortunato Camus Command)
New People's Army
September 24, 2023
Hindi ordinaryong kabataan, bagkus ay isang paniktik (intelligence) ng Marine Battalion Landing Team (MBLT-10) si Mark Angelo Asuncion. Nadakip siya ng isang yunit ng NPA-East Cagayan sa Barangay Rebecca, Gonzaga noong Agosto 2021 at nakuha sa kanyang pangangalaga ang isang calibre .45 pistol at travel pass to carry an order mula sa intelligence unit ng MBLT-10 na sumasaklaw sa mga bayan ng Gonzaga at Sta. Teresita. Sa pamamagitan ng prenteng home tattoo service, malaya siyang nakakabyahe kahit kasagsagan ng lockdown upang maniktik sa presensya ng NPA sa lugar. Bahagi ito ng intel gathering ng militar, bago ikinasa ang aerial bombardment at pursuit combat military operations ng 501st Infantry Brigade at Tactical Operations Group-2 ng Philippine Air Force sa Barangay Dungeg, Sta Teresita na kinasawian ng pitong mga kasama noong ika-21 ng Setyembre 2021.
Batay sa tsek-ap at beripikasyon ng mga mapagkakatiwalaang masa sa lugar na may malalim na pagkakakilanlan kay Asuncion, at sa masusing pagsisiyat at pagsusuri ng namumunong komite ng Partido sa saklaw, napatunayang isa siyang regular na paniktik-militar at hindi simpleng civilian informer. Ibig sabihin, pamalagian at lehitimo siyang target ng taktikal na opensiba maging ang iba pang mga katulad niya, alinsunod sa Mga Alituntunin ng Bagong Hukbong Bayan at Patnubay sa Pagtatayo ng Demokratikong Gubyernong Bayan. Tiniyak ng NPA na hindi siya nakaranas ng anumang klase ng pagmamalupit at pang-aalipusta.
“Ipinauubaya ng Protocol II (ng Geneva Convention) sa mga patakaran at tuntunin ng bawat panig na naglalabanan ang pakikitungo sa usapin ng mga espiya. Sa bahagi ng rebolusyonaryong kilusan, itinuturing nitong mabigat na krimen ang pang-eespiya at sa pangkalahatan ay may kaparusahang kamatayan kapag napatunayan. Gayunman, umiiral at mahigpit na ipinatutupad ang makatarungang proseso sa sinumang nabihag o nadakip na may kasong pang-eespiya. Matatamasa pa rin nila ang mga saligang garantiya ng rebolusyonaryong batas katulad ng mga takdang karapatan ng isang akusado at makatarungang paglilitis.”
Dagdag pa sa Article 2, Section IV ng Patnubay para sa Hukumang Bayan, “Ang parusang kamatayan ay ipinapataw sa mga salarin sa mga kaso ng pag-eespiya, pagkakanulo at pagtataksil, pamamaslang, panununog, panggagahasa, malakihang paglustay, marahas at malakihang pagnanakaw at pagnanakaw ng kalabaw at iba pang hayop na pantrabaho. Lalong ipinapataw ang parusang kamatayan kung sapat at paulit-ulit nang gumawa ang mga mamamayan at may kapangyarihan ng babala sa mga krimeng nabanggit.”
Nasa isip at puso ng rebolusyonaryong kilusan ang interes ng mamamayan kung kaya’t mahigpit na tumatalima ang NPA sa mga internasyunal na makataong batas lalo na ang pangangalaga sa mga sibilyan at sa mga hindi tuwirang kalahok sa digma. Kaya higit pa sa alinmang batas na pandaigdig ang mga layunin, may adhikain at mga prinsipyong sinusunod ng rebolusyonaryong kilusan, partikular ang Tatlong Pangunahing Alituntunin sa Disiplina at Walong Puntong Dapat Tandaan ng Bagong Hukbong Bayan. Ito ay higit pa sa mga itinatakda sa mga pandaigdigang batas ukol sa kondukta ng pakikidigma.
Sa kaibuturan, ipinagtatanggol ng Partido at mga pwersang pinamumunuan nito ang sambayanang Pilipino mula sa anumang klase ng pang-aapi, saanman ito nagbubuhat. Kaalinsabay, minumulat, inoorganisa at pinapakilos sila para sa rebolusyon. Ang adhikain ng demokratikong rebolusyong bayan para sa makauri at pambansang paglaya ang balangkas ng pagtataguyod nito sa mga indibidwal na kalayaan at karapatan.
Itinulak at isinuong ng AFP si Asuncion sa panganib nang pinalarga siya sa erya na may umiiral na Pulang kapangyarihang pampulitika upang mag-espiya sa masa at mga rebolusyonaryong pwersa. Tulad ng ginawa kay Asuncion, kinikitil ng AFP ang pangarap ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagtutulak sa kanila na labanan ang sarili nilang uri, ang uring api at pinagsasamantalahan. Ginagawa silang mga pambala ng kanyon sa pagrerekrut sa kanila bilang mga aliping CAFGU, mga ahente ng Barangay Intelligence Network (BIN) at iba pang organisasyong nakabalangkas sa gera kontra-insurhensiya ng estado. Ngayong kinakaharap ng rehiyon at ng buong bansa ang papalaking panganib sa pagputok ng gera sa pagitan ng imperyalistang US at China, ang mga anak ng magsasaka ang gagawing pawn ng US at AFP laban sa China sa oras na maisabatas ang mandatory ROTC.
Samakatwid, dapat puspusang labanan at biguin ang gera kontra-mamamayan ng estado sa balangkas ng gera kontra-insurhensiya. Dapat puspusang imulat ang kabataan sa tunay na papel nila sa lipunan bilang “pag-asa ng bayan” at iyon ay sa pamamagitan lamang ng paglahok at pagtataguyod sa dalawang-yugtong rebolusyon upang makamtan ang tunay na demokrasya at panlipunang paglaya.###
https://philippinerevolution.nu/statements/paniktik-ng-militar-si-mark-angelo-asuncion/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.