Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
September 23, 2023
Walang makapagsasalarawan sa takot na malamang ay nararamdaman ninyo ngayon. Nasasaksihan niyo ang unti-unting pagwasak sa mga bundok ng Bagulayag at Uac. Malamang ay naghahalo sa inyo ngayon ang pangamba at galit sa bawat dagundong ng bomba na ikinakanyon ngayon ng militar sa naturang mga bundok. Malamang marami sa inyo ngayon ang tumatangis matapos mawalan ng kabuhayan at mapalayas sa inyong tinitirhan. Ilang puno ng niyog ang nagsipagbuwal, ilang alagang hayop ang namatay, ilang sakahan ang nabungkag dahil sa kanilang terorismo.
Hindi rin masusukat ang pighati ninyong may mga kaanak na pinatay ng militar at pulis. Taos-pusong pakikiramay ang ipinapaabot ng rebolusyonaryong kilusan sa inyo. Walang mas sasakit pang makita ang ating mga pinakamamahal sa buhay na ituring na mas masahol pa sa hayop.
Masahol, hindi na maibabalik pa ang pinsalang idinulot ng kaaway sa ating buhay.
Tunay na terorista ang militar at pulis. Sila ay mga tutang sunud-sunuran sa kanilang kumander na si Marcos Jr, Sara Duterte at sa Amerika. Walang pinipili ang kanilang karahasan at pagpatay. Naghahari-harian sila ngayon sa ating prubinsya. Hindi ang mamamayan ang kanilang totoong pinagsisilbihan. Sa halip, itinuturing lang nila tayong hayop.
Sa katunayan, malamang ay pumapalakpak ngayon si Gov. Kho at si Bongbong Marcos sa patung-patong na krimen ng tutang militar. Nagpipyesta ngayon ang Filminera sa ginawang pagpapasabog sa Bagulayag at Uac.
Alam naming bagamat karamihan sa inyo ay lugmok sa pangamba, malamang na sa kaibuturan ng inyong puso ay ang pagnanais na makamit ang hustisya. Walang ibang paraan upang makamit ang katarungan kundi ang magrebolusyon.
Isa lang ang itinuturo sa atin ng kalupitan ng kaaway: hindi natin maiiwasan ang gera. Kung hindi tayo magrerebolusyon, tiyak papatayin nila tayo sa takot at gutom. Walang puwang para sa pananahimik at pagkakanya-kanya. Kailangang lumaban para mabuhay.
Pangako ng Bagong Hukbong Bayan-Masbate at buong rebolusyonaryong kilusan na samahan kayo sa laban para sa hustisya. Patuloy na isusulong ng NPA ang armadong pakikibaka upang pagbayarin nang mahal ang kaaway sa inutang nilang dugo.
Handa ang bawat mandirigma ng NPA na harapin ang sakripisyo, hirap at ialay ang lahat, kahit sariling buhay, matiyak lang na maipagtagumpay ang rebolusyon at makamit ang katarungang inyong inaasam. Ilang taon man ang abutin ng ating gera, hindi tayo titigil. Hindi namin kayo pababayaan. Walang iwanan.
Hindi magiging madali ang ating kakaharapin. Malahalimaw at walang puso ang kaaway. Asahan nating mas lulupit ang kanilang atake at pagwasak sa ating pagkakaisa at determinasyon. Asahan nating marami pang bomba ang kanilang ibabagsak. Asahan nating marami pa silang dadahasin at papatayin.
Kaya kailangan nating isulong ang digmang bayan. Digmang bayan ang gera nating inaapi’t pinagsasamantalahan. Sa digmaang ito, nakasalalay sa inyong buong pusong paglahok at pagkilos ang ating paglakas at katiyakan ng tagumpay. Anumang lupit ng kaaway, hindi niya matatalo ang mamamayang nagkakaisa at armadong lumalaban.
Suportahan natin ang armadong pakikibaka para sa katarungan. Humawak ng armas, sumali sa New People’s Army! Hinihintay namin kayo.
https://philippinerevolution.nu/statements/para-sa-masang-masbatenyong-apektado-ng-panganganyon-at-iba-pang-biktima-ng-terorismo-ng-afp-pnp-cafgu-sa-masbate/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.