July 14, 2023
Marahas na denimolis ng pinagsanib na pwersa ng PNP at lokal na gubyerno ng Valenzuela ang mahigit-kumulang 400 kabahayan sa Block 6 sa Barangay Veinte Reales noong Miyerkules, Hulyo 12. Sugatan ang ilang residente at kanilang mga tagasuporta. Pinagtangkaan pang dakipin kahit ang midya at kabataan na nagdodokumento ng barikada.
Ayon sa ulat ng mga residente, iligal at walang anumang dokumentong bitbit ang demolition team na pwersahang gumiba at nagpalayas sa kanila sa lugar.
“Wala kaming trabaho noong pandemic. Ang mahal pa ng bilihin. Nagtutuyo na lang kami at noodles para makatipid at makaahon sa pang-araw-araw,” pahayag ni Lucy, isa sa mga residenteng giniba ang tahanan. “(Tapos) gigibain kami. Saan mo kami itatapon, sa kalye?”
Walang nakahandang lugar na paglilipatan ang mga biktima ng demolisyon. Hanggang ₱9,000 lamang ang inialok sa kanilang ibayad kung umalis sila sa lugar.
Kasalukyang nakabimbin ang pagdinig upang imbestigahan ang batayan ng pagpapaalis sa komunidad. Sa kabila nito, itinuloy pa rin ang demolisyon sa kabahayan. Mahigit 25 taon nang naninirahan ang mga residente dito at matagal na nilang sinisikap na magkaroon ng dayalogo sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela at iba’t ibang ahensya ng gubyerno.
Nanawagan naman sa lokal na gubyerno ng Valenzuela ang grupong Anakbayan na dinggin ang hinaing ng mamamayan ng Veinte Reales. “Kung tunay na gustong solusyunan ng gubyerno ang pagdami ng maralitang lungsod sa NCR, dapat nitong harapin ang usapin kung bakit ba napipilitan ang kalakhan ng mga Pilipinong umalis ng probinsya?,” anito.
“Ang kawalan ng nakabubuhay na trabaho, kawalan ng akses sa mga batayang serbisyong panlipunan sa prubinsya, at kawalan ng mga batayang imprastruktura para sa maayos na pamumuhay roon tulad ng irigasyon at kuryente,” ayon sa grupo.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/45285/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.