July 14, 2023
Nanawagan ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) kahapon, Hulyo 13, ng imbestigasyon sa konstruksyon ng coastal road sa Gubat, Sorsogon dahil sa lumilitaw na paggamit umano ng mga patay na koral sa pagtatayo nito. Bago pa nito, nauna nang ipinanawagan ng Save Gubat Bay Movement ang pagpapahinto sa proyekto at kaakibat nitong reklamasyon dahil sa pinsalang idudulot nito sa baybayin at sa kanilang kabuhayan.
Iginiit ng Pamalakaya sa Department of Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang proyekto dahil nais nitong alamin kung saan kinukuha ng konstruksyon ang mga coral na inilalagay dito.
“Dapat atasan ng ahensya ang environment office nito sa prubinsya para magsagawa ng inspeksyon sa proyekto at alamin kung kinuha ang mga koral sa kung saanman,” ayon sa Pamalakaya. Ayon pa sa grupo, hindi katanggap-tanggap kung malalamang sinisira at kinukuha ito para lamang itambak at gamitin sa konstruksyon.
Ang mga koral ay maseselang organismo na bumubuo ng ekosistema sa ilalim ng dagat. Halos isang taon ang kailangan para lamang tumubo ng ilang sentimetro ang mga koral. Inaabot isang dekada ang itinatagal bago lumago sa pagiging grupo ng larvae (uod).
“Mahalaga ang mga ito sa marine biodiversity (mayamang buhay sa karagatan) dahil nagsisilbi itong tahanan ng maraming lamang-dagat at nagtitiyak ng masaganang rekurso sa mga komunidad ng mangingisda,” ayon sa Pamalakaya.
Liban dito, muling ipinanawagan ng Save Gubat Bay Movement (SGBM) ang pagpapatigil sa naturang proyekto dahil lubhang nakapipinsala ito sa baybayin gayundin sa kabuhayan at pinagkukunan ng rekurso ng mga mangingisda sa 13 barangay sa baybaynin ng prubinsya.
“Bukod sa posibilidad na may sinisirang bahura o coral reefs para sa proyektong coastal road, may tiyak na pinsala na ang mismong proyekto sa kalikasan at pangisdaan ng aming bayan dahil sa reklamasyon. Tinatambakan ng lupa ang baybaying-dagat na pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng aming mga mangingisda, partikular ng mga nag-aalimango,” ayon sa SGBM.
Ang Sorsogon Coastal Road ay proyekto ng Department of Public Works and Highways sa ilalim ng programang Build, Build, Build ng nagdaang administrasyong Duterte.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/konstruksyon-ng-coastal-road-sa-sorsogon-pinaiimbestigahan-ng-mga-mangingisda/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.