July 14, 2023
Nagprotesta kahapon, Hulyo 13, ang mga biktima ng iligal na rekrutment sa upisina ng Department of Migrant Workers (DMW) at National Bureau of Investigation (NBI) kasabay ng paghahain ng reklamo kaugnay ng mga pang-aabusong dinanas nila. Kasama nila sa pagprotesta ang mga lider ng Migrante International.
Nagsampa ng kaso ang mga biktima ng malawakang iligal na rekrutment laban sa dating konsehal ng Cebu City na si Prisca Nina Mabatid na CEO ng PCVC Opportunities Abroad at Pinoy Care Visa Center. Ayon sa mga biktima, hiningan sila ng higit ₱100,000 bawat isa bilang kabayaran sa pagpuproseso ng kung anu-anong mga papeles. Itinala ng grupong Migrante ang libu-libong biktima mula sa Pilipinas at ibang bansa ng naturang panloloko.
Reklamo ng mga biktima, “nilansi, nirekrut at nilinlang” ni Mabatid ang mga Pilipino sa bansa at mga migranteng Pilipino sa United Arab Emirates, Hong Kong, Japan at iba pang mga bansa. Sa pagitan ng 2017 hanggang 2023, inutusan umano ang mga biktima na mag-apply para sa student visa sa Canada nang may pangakong tatlong buwang pagpoproseso nito. Sinabihan silang makakukuha ng trabaho dito para makapagbayad ng matrikula at panggastos sa araw-araw.
“Pinagbayad sila ng higit ₱100,000 bawat isa, o ng mas mababang ₱94,000 sa panahon ng mayroong tatlo hanggang limang araw na promo,” ayon sa Migrante International. Dapat din umano silang magbayad bago simula ang pagpoproseso ng kanilang aplikasyon.
Salaysay pa ng mga biktima, pagkatapos nilang magbayad ay pinapirma sila ng kasunduan na hindi na pwedeng bawiin ang kanilang ibinayad at binigyan ng listahan ng mga “requirement” na naunang inilihim sa kanila. “Sa maraming kaso, hindi na sinasagot ng mga istap ng kumpanya ni Mabatid ang mga tanong at concern o naging masama na ang turing nang humingi na sila ng refund,” dagdag ng Migrante International.
“Nagnakaw ng milyun-milyong piso si Nina Mabatid at kanyang kumpanya sa nagpapakahirap magtrabaho na mga Pilipino at OFWs na nangangarap ng mas maayos na buhay at seguridad sa kabuhayan. Dapat kaagad na ibalik ang perang ito sa kanyang mga biktima,” giit ni Joanna Concepcion, Migrante International chairperson.
Pagdidiin pa ni Concepcion, ang ginawa ni Mabatid at kanyang mga katrabaho ay iligal na rekrutment kung hindi man human trafficking. “Dapat silang maparusahan. Dapat itong imbestigahan ng gubyerno at umaksyon sa malawakang scam na ito,” ayon pa sa kanya.
Sa kabila ng napakaraming reklamo laban kay Mabatid at kanyang mga kumpanya, nakapagpapatuloy pa silang manloko at magsagawa ng mga seminar sa buong bansa at ibayong dagat. Ikinadismaya ng mga biktima ang tila pagsuporta ng mga lokal na upisina ng Public Employment Service Office ng gubyerno at mga upisyal ng lokal na gubyerno na sumusuporta sa mga mapanlansing paraan ng rekrutment ng kumpanya.
Nagsampa na ng kaso ang mga OFW na biktima ni Mabatid sa Hong Kong noong nakaraang buwan laban sa iligal na iskema. Inihain nila ang reklamo sa Hong Kong Police at Philippine Migrant Workers Office na dumaan sa upisina ng Philippine Consulate sa Hong Kong. Itinuring nang kriminal na imbestigasyon ng Hong Kong Police ang naturang mga kaso matapos hindi isauli ni Mabatid ang pera ng walong biktima na nagreklamo, taliwas sa kanyang pangako.
Iniimbestigahan na rin umano ng Department of Migrant Workers ang kanilang kaso.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/hustisya-sigaw-ng-mga-migranteng-biktima-ng-iligal-na-rekrutment/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.