Patnubay de Guia
Spokesperson
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
March 19, 2023
Kasuklam-suklam ang desisyon ng Lucena Regional Trial Court Branch 56 noong Marso 15 sa kaso ng human rights worker na si Alexandrea Pacalda na hinatulang guilty sa mga gawa-gawang kasong isinampa laban sa kanya ng pasistang 201st Brigade. Hindi makatarungan ang ipinataw sa kanyang parusang 10-taong pagkakakulong para sa kasong illegal possesion of firearms and ammunition at reclusion perpetua o habambuhay na pagkapiit sa diumanong paglabag niya sa batas sa mga eksplosibo.
Malinaw itong inhustisya dahil walang kasalanan o krimen sa bayan si Alexa. Puro gawa-gawang kaso at tanim na ebidensya ng mga militar ang ginawang batayan ng naging hatol sa kanya. Dapat siyang palayain at bigyan ng hustisya dahil biktima siya ng pang-aapi at pandarahas ng pasistang estado, hindi ibinbin sa piitan.
Isa si Alexa sa daan-daang bilanggong pulitikal sa buong bansa na ipiniit para supilin ang kanilang pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masang api lalo sa mga magsasaka. Nasa proseso si Alexa ng pakikipagkonsultahan sa mga magsasakang biktima ng militarisasyon nang siya’y iligal na dakpin ng 201st Brigade noong Setyembre 14, 2019 sa Brgy. Magsaysay, Gen. Luna, Quezon.
Sa umpisa pa lang ay lansakan ng nilabag ng mga pulis at militar ang karapatang-tao ni Alexa. Hinuli siya nang walang warrant of arrest. At habang nasa kamay ng mga militar, dumanas siya ng tortyur dahil pilit siyang pinapaamin na kasapi ng NPA. Maging ang kanyang pamilya ay ginipit at nilinlang ng militar upang pumirma sa dokumentong magpapatunay na NPA si Alexa. Napwersa ang kanyang ama na pumirma sa affidavit dahil sa pagbabanta ng mga militar na kakasuhan at ibayong pahihirapan si Alexa. Tiyak na ang pinakahuling desisyon ng korte ay malaking dagok kay Alexa at sa kanyang pamilya.
Ipinapakita ng kaso ni Alexa ang pagkubabaw ng pasismo sa hudikatura at lalong pagkabulok ng sistema ng batas at hustisya sa bansa. Patuloy itong ginagamit na kasangkapan ng estado sa panunupil sa pamamagitan ng pag-aresto at pagbilanggo ng sinumang nakikibaka para sa demokratikong interes ng mamamayan. Nais ng estado na bulukin sa kulungan ang mga tulad ni Alexa at baliin ang kanilang paninindigang ipaglaban ang kagalingan at karapatan ng mga inaapi’t pinagsasamantalahan. Hibang na inaakala ng pasistang estado na sa ganitong paraan maigugupo ang magiting na pakikibaka ng mamamayan para sa lupa, sahod, trabaho, de-kalidad na serbisyong sosyal at katarungan.
Hindi malulupig ng kalupitan ng pasistang estado ang tapat at dalisay na hangarin ng mga demokratiko at rebolusyonaryong pwersa na palayain ang sambayanan mula sa kahirapan at kaapihan. Si Alexa sampu ng iba pang bilanggong pulitikal ay nagpupunyagi sa paglaban para sa kanilang kalayaan at hustisyang panlipunan kahit nasa loob ng piitan. Inspirasyon sila ng malawak na hanay ng nakikibakang mamamayan lalo ang masang anakpawis na kanilang pinaglilingkuran upang magpursige sa landas ng pambansa demokratikong pakikibaka.###
https://philippinerevolution.nu/statements/palayain-si-alexa-pacalda-human-rights-worker-na-ipiniit-ng-estado/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.