Posted to Kalinaw News (May 5, 2021): 15 Miyembro ng NPA Sumuko sa Masbate Dala ang Kanilang mga Armas
CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur–Dagdag na labinglimang miyembro ng NPA ang nagbalik-loob sa gobyerno sa lalawigan ng Masbate nitong Martes, Mayo 4 sa pamamagitan ng 903rd Infantry Brigade, 2nd Infantry Battalion (2IB), 96th MICO at Police Regional Office 5 (PRO5) ng PNP.Walo sa kanila ay mga regular na miyembro ng New People’s Army (NPA) habang pito naman ang mula sa Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL).
Kasamang isinuko ng mga ito ang siyam (9) na iba’t ibang kalibre ng baril gaya ng M16 rifle, AR15 rifle, homemade carbine, apat na homemade shotgun, caliber .38 revolver at caliber 357 revolver.
Ayon sa mga sumuko na ngayon ay ikinokonsidera na bilang mga former rebels (FRs), sawa na sila sa labis na hirap, gutom at pang-aabusong nararanasan nila sa loob ng terroristang grupo.
Labis din ang kanilang pasasalamat sa Army at PNP na tumulong sa kanila upang sumuko at magbagong buhay.
“Na eksperyensya na po namon na safety ang pag surrender. Sa ada pa sa bukid sa mga NPA ginaanyayahan ko po na mag surrender na man,” ani Ka Dennis.
[Naranasan po namin na safe ang pagsurrender. Sa mga nasa bundok pa na mga NPA, inaanyayahan ko kayo na sumuko na rin.]
Ayon kay Lieutenant Colonel Siegfried Felipe Awichen, Battalion Commander ng 2IB, isasailalim na agad sila sa proseso ng reintegration kasabay ng pag-enroll sa kanila sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Sa ilalim ng E-CLIP, ang nasabing mga Former Rebels ay makakatanggap ng cash, livelihood, housing, medical at educational assistance habang mabibigyan naman ng dagdag na firearms remuneration ang mga nagsuko ng armas.
Binigyang diin naman ni Colonel Aldwine Almase, Brigade Commander ng 903rd Infantry Brigade na ang patuloy na pagsuko ng mga miyembro at tagasuporta ng CTG ay malaking dagok sa teroristang grupo.
“Napakarami ng sumuko at bumuti ang buhay. Nakita ng mga dating rebelde na ito na tapat ang gobyerno sa pangako nitong tulungan ang mga nagbabalik-loob na NPA members at supporters kaya mas maraming naeengganyong talikuran at abandonahin ang kilusan,” ani Colonel Almase.
Samantala, ayon kay Major General Henry A Robinson ,Commander ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB), ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga miyembro ng CTG na nagbabalik-loob sa pamahalaan ay patunay na epektibo ang implementasyon ng Executive Order No. 70 (EO 70) o ang Whole-of-Nation Approach na siyang lumikha ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
“Through our E-CLIP, we will ensure that you, our former rebels, will be provided with cash, livelihood, housing, medical and even educational assistance in order for you to start anew as you take the path of peace. Kaya naman hinihikayat ko ang patuloy na suporta ng ating mga former rebels sa aming mga programang pangkapayapaan. With these accomplishments, the 9ID and JTF Bicolandia is very positive that the NPA will eventually collapse in this island province in the soonest possible time,” ani Major General Robinson.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/15-miyembro-ng-npa-sumuko-sa-masbate-dala-ang-kanilang-mga-armas/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.