Monday, May 31, 2021

CPP/NPA-MIndoro: Target ng ambus: Mga berdugong PNP-MIMAROPA at 203rd Brigade, hindi si Gadiano at mga LGU!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 29, 2021): Target ng ambus: Mga berdugong PNP-MIMAROPA at 203rd Brigade, hindi si Gadiano at mga LGU!

MADAAY GASIC
SPOKESPERSON
NPA-MINDORO (LUCIO DE GUZMAN COMMAND)
SOUTHERN TAGALOG REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (MELITO GLOR COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY

MAY 29, 2021



Ang magkasanib na berdugong pwersa ng PNP-MIMAROPA at 203rd Brigade ang target ng isinagawang ambus ng LDGC-NPA-Mindoro kahapon sa Sityo Banban, Brgy. Nicolas, Magsaysay, Occidental Mindoro. Ito ang dahilan kung bakit ang sasakyan lamang ng PNP at Army ang pinutukan ng NPA at tiniyak na makalampas muna ang sasakyan ng mga sibilyan, kabilang ang sinasakyan ni Governor Ed Gadiano ng Occidental Mindoro.

Mula alas-10:30 hanggang 11:45 ng umaga ng Mayo 28, matagumpay na naisagawa ng isang yunit ng LDGC-NPA-MIndoro ang paglipol sa laman ng back-to-back na sasakyan ng magkasanib na berdugong pwersa ng PNP-MIMAROPA at 203rd Brigade, Philippine Army. Resulta nito, hindi bababa sa labintatlo (13) na sundalo’t pulis ang napinsala kung saan 3 ang kumpirmadong patay. Anim naman sa sampu ang malubhang nasugatan.

Ang mga napangalanang pwersa na napinsala ng nasabing ambus ay mula sa 1st Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company ng PNP-MIMAROPA. Ang tatlong mga napatay ay sina Police Executive Master Sergeant Jonathan Alvarez, Police Corporal Stan Gongora at Staff Sergeant Nolito Develos na binawian ng buhay sa pagamutan. Samantala sugatan naman sina Staff Sergeant Dexter Sagun, Edwin Vergara, Michael Sualog, Michael Enero; Patrolman Armando Pulido at Danny Soriano; Corporal Kim Jason Dimalaluan at Nicolas Estocapio Jr. May 2 pang sugatan ang hindi napangalanan.

Mula sa mga impormasyong ibinigay ng mga sibilyang biktimang suklam na suklam na sa pandarahas na ginagawa ng PNP-MIMAROPA at 203rd Brigade, naisagawa ang matagumpay na pag-ambus sa araw ng pagsasakatuparan ng mapanlinang na “Serbisyo Caravan” ng PTF-ELCAC-Mindoro Occidental.

Tinatakot, dinadahas at ginigipit ng NTF-ELCAC sa pangunguna ng PNP-MIMAROPA at 203rd Brigade ang mga lokal na opisyal ng reaksyunaryong gubyerno upang maging kasangkapan nila sa marahas at mapanlinlang na kampanya ng pagsupil sa CPP-NPA-NDFP at nakikibakang mamamayan sa isla ng Mindoro. Hindi lamang pinipilit ang mga LGU na magpasa ng pekeng resolusyon ng persona non grata (PNG) laban sa CPP-NPA-NDFP, pinipilit ding pakialaman ng mga ito ang pondo ng mga LGU upang pagsilbihin sa kanilang programa laban sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan. Karaniwan nang isinasama nila ang mga opisyal ng LGU sa mga seremonya ng pekeng pagpapasuko upang bigyan ng maamong mukha ang karahasang ginagawa ng mga sundalo’t pulis laban sa mamamayan.

Tinatawagan namin ang mga LGU sa isla ng Mindoro na labanan ang mga ito at huwag magpakasangkapan sa mga pulis at militar sa kanilang kampanya laban sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan. Tinatawagan din namin ang mga upisyal ng LGU na huwag sasama at sasabay sa convoy ng mga militar at pulis upang hindi madamay sa mga aksyong militar ng NPA.

Ang ambus ay tugon ng LDGC sa kabi-kabilang sampang reklamo ng mga Mindoreño laban sa mga pwersa ng PNP-MIMAROPA at 203rd Brigade. Tampok sa mga ito ang sumusunod:

Una, ang walang habas na pambobomba sa komunidad at sakahan ng mga magsasaka, katutubo at mamamayan.

Noong Marso 25 hanggang 26, binomba ng 203rd Brigade sa utos ng kanilang pinuno na si Col. Augusto Villareal at General Antonio Parlade Jr. ang mga pamayanan at sakahan ng mga katutubo’t magsasaka sa hangganan ng Mansalay at Roxas, Oriental Mindoro. Nagpasabog ang mga ito ng 11 bala ng howitzer. Dahil dito, lumikas ang libu-libong residente sa mahigit 15 sityo ng dalawang bayan, laluna ang mga nakatira sa Brgy. Panaytayan at San Vicente. Apektado ang tinatayang higit 15,000 populasyon ng dalawang barangay.

Nauna pa dito, noong Marso 7, tinarget ng dalawang beses na panganganyon ng howitzer ng 203rd Brigade ang komunidad sa Ilog ng Cayacyan ng Brgy. Monte Claro, San Jose, Occidental Mindoro. Binigyang katwiran ng sinungaling na tagapagsalita ng 203rd Brigade na si Corporal Lerma “Liway” Bulaklak na ang pambobomba ay testing lamang ng kanilang kagamitang pandigma.

Ikalawa, daan-daang kaso ng iligal na pang-aaresto sa mga mamamayan na kinabibilangan ng mga magsasaka at katutubo upang ipailalim sa interogasyon at sapilitang pasukuin bilang mga myembro ng NPA. Paulit-ulit na dumanas ng mental at pisikal na tortyur ang mga biktima. Mga karaniwang mamamayan ang mga ito na biktima ng red-tagging ng mga pasistang pwersa ni General Parlade. Matapos mapasuko, karamihan sa mga biktima ay bibigyan lamang ng ilang kilong bigas, de-lata at noodles taliwas sa ipinagmamalaki sa midya na binibigyan ang mga sumuko ng P15,000 hanggang P65,000 piso bawat isa. Ang mga biktima ng pekeng pagpapasuko ay nawalan na ng kapanatagan sa buhay dahil sa paulit-ulit na pagpapatawag sa kampo, pagbabanta sa kanilang buhay kahit na sila ay pumayag nang sumuko.

At paghuli, pagpapakulong at pagdukot sa mga kilalang lider magsasaka at mga inosenteng sibilyan, maging sa mga bata. Noong Pebrero 23, bandang 3:30 ng hapon, inaresto ng magkasanib na pwersa ng 203rd Brigade at PNP-Mimaropa si Gng. Genalyn “Neneng” Avelino. Si Ate Neneng ay kilala bilang isang lehitimong lider magbubukid sa Mindoro. Noon namang Marso 25, dinukot ang dalawang Mangyan Hanunuo na sina Kadlos at Jeremy “Eming” Lukmay sa sityo Kilapnit, Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro. Hanggang ngayon ay nakakulong pa din si Ate Neneng. Nito lamang Mayo 12, marahas na dinukot ng mga pwersa ng 203rd Brigade ang 4 na taong gulang na si MJ sa sityo Ambuyan, Brgy. Pitogo, Rizal, Occidental Mindoro sa bahay ng pamilyang Fernandez na nagsilbing legal guardians nito. Dinukot ang batang si MJ para gipitin at pasukuin ang mga magulang nito.

Patunay ang matagumpay na ambus ng nagpapatuloy na paglakas ng NPA at ng tinatamasa nitong malawak at malalim na suporta mula sa mamamayan. Patunay ang matagumpay na ambus sa galit ng mamamayan sa mga pasistang tropa at ang kahingian nilang bigyan sila ng rebolusyonaryong hustisya. Patunay ang matagumpay na ambus ng kabiguan ng hibang na hangarin ng rehimeng US-Duterte at ng kanyang mga utusang asong tulad ni Parlade na wasakin at pahinain ang armadong paglaban ng sambayanan.

Patuloy na gagampanan ng LDGC-NPA-Mindoro ang dakilang tungkulin nitong ipagtanggol ang pambansa-demokratikong interes ng sambayanang Pilipino. Makakaasa ang sambayanan at ang mga Mindoreño na gagawin ng NPA ang buong makakaya anuman ang kapalit nito upang mabigyan ng katarungan ang milyun-milyong biktima ng pamamaslang, pandarahas at pagpapahirap ng tiranikong rehimeng Duterte.

Nalalantad sa sambayanang Pilipino at sa mga Mindoreño na ang tiranikong rehimeng Duterte ang numero unong terorista at tagapagpahirap sa bayan. Galit ang sambayanang Plipino na matapang lamang ang rehimeng ito sa mga mahihirap na mamamayan at walang kalaban-labang mga sibilyan habang bahag naman ang buntot na nanginginig sa takot sa harap ng kapwa buntangerong China at tiklop ang tuhod sa amo nitong imperyalisytang US. Hindi kailanman mapapahintulutan ng bayan ang pagsuko ng rehimen sa soberanya at teritoryo ng bansa West Philippine Sea sa China gayundin ang pagsubasta sa patrimonyang yaman ng Pilipinas sa dayuhang kapangyarihan.

Tinatawagan namin ang mga mamamayang suportahan ang makatarungang armadong pakikibakang inilulunsad ng NPA. Tinatawagan namin ang lahat ng may edad 18 anyos, may malusog na pangangatawan, may kakayanang humawak ng armas at lumaban na sumapi at sumampa sa NPA. Tanging sa paglakas ng NPA, ang tunay na Hukbo ng sambayanang Pilipino at sa pagkakaisa’t suporta ng masa sa hukbong bayan, mabubuo ang di magagaping lakas para kamtin ang pambansang kalayaan, demokrasya, katarungang panlipunan at kasaganaan.###

https://cpp.ph/statements/target-ng-ambus-mga-berdugong-pnp-mimaropa-at-203rd-brigade-hindi-si-gadiano-at-mga-lgu/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.