From the Philippine Information Agency (Apr 8, 2021): Tagalog News: Mga mag-aaral sa dating kuta ng CPP-NPA, nakatanggap ng gamit mula sa 95IB, AFPSLAI (By Mark Djeron C. Tumabao and 95th Infantry Battalion)
SAN MARIANO, Isabela, Abril 8 (PIA) -- Nakatanggap ng mga gamit pang-eskwela mula sa 95th Infantry Battalion at Armed Forces and Police Saving and Loan Association INC. o AFPSLAI ang mga mag-aaral ng Villa Miranda Integrated School sa barangay Dibuluan sa bayang ito.Sa tulong ng 95IB, matagumpay na naihatid ang higit 40 na school bags na may lamang ibat-ibang kagamitan sa pag-aaral kagaya ng notebook, papel, lapis at iba pa.
Maalala na ang mga ibinahaging gamit ay mula sa AFPSLAI na mismong inihatid ng kanilang Branch Manager na si Joyce R. Valiente sa pamunuan ng 95IB sa kaniyang pagbisita noong nakaraan na buwan.
Ayon kay Lt. Col. Lemuel Baduya, commanding officer ng 95IB, isa lamang ito sa pagpapakita na ang kasundaluhan at ang pamahalaan ay seryoso sa paghahatid ng anumang klaseng tulong na ibibigay sa mga nangangailangan lalong lalo na sa mga taong minsan ng naging biktima ng maling ideolohiya ng CPP-NPA-NDF.
Matatandaan na ang barangay Dibuluan ay naging parte sa malakihang operasyon ng CPP-NPA na kung saan ginaganap dito ang kanilang taunang anibersaryo kasama ang mga inosenteng sibilyan.
Ayon kay Mario Butac, barangay kagawad ng Dibuluan, isa siya sa saksi sa mga panloloko at karahasan ng NPA sa kaniyang nasasakupang barangay na halos lahat ng pangangailan ay ibinibigay nila ito sa NPA dulot ng matinding takot na baka sila ay papatayin.
Pinatunayan din ni Butac na dito din isinasagawa ang pagtuturo sa mga tao sa barangay kung paano sisirain ang gobyerno.
Dagdag pa niya simula noong napasok na ng Community Support Program o CSP ng mga kasundalohan ang kanilang barangay, dito na nag-umpisa na magising sa katotohanan ang buong barangay na mali ang mga aral na kanilang nakuha sa CPP-NPA kung kaya noong tangkahing pasukin ng Partido Gabriela ang kanilang barangay ay tulong tulong ng nagkaisa ang buong barangay ng Dibuluan upang itaboy ang mga ito at ipinagsisigaw nila ang mga maling gawain ng CPP-NPA.
Sa ngayon, para mapanatili ang kaayusan at upang tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga programa at serbisyo ng gobyerno, pinatayuhan ng 95IB sa tulong ng lokal na pamahalaan ng San Mariano ng isang CAA detachment ng sundalo ang kanilang barangay. (MDCT/PIA-2)
https://pia.gov.ph/news/articles/1071752
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.