From the Philippine Information Agency (Nov 2, 2020): Tatlong indibidwal na sapilitang nirekrut ng NPA, nagbalik-loob sa pamahalaan (By 5th Infantry Division)
Litrato ng 5ID
GAMU, Isabela, Nobyembre 1 (PIA) – Sumuko ang tatlong indibidwal na umaming sapilitang nirekrut ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa kasundaluhan ng 95th, 86th Infantry Battalion at sa kapulisan sa lalawigan ng Isabela noong Oktubre 30 taong kasalukuyan.
Sa paglalahad ng mag-amang sina alyas Digma/Jin, medical officer ng Regional Sentro De Grabidad-Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (RSDG-KRCV) at alyas Paul, 17 taong gulang, pwersahan silang isinampa sa rebeldeng grupo dahil wala na silang marekrut para umanib sa teroristang kilusan.
Pagbabahagi pa ng mag-ama, dinaig nila ang kalagayan ng isang bilanggo dahil sa sobrang hirap ng kanilang naranasan sa kamay ng mga kumander ng RSDG-KRCV.
Ayon kay alyas Paul, tinuruan pa siya ng mga rebeldeng NPA na magsinungaling patungkol sa kanyang tunay na edad para hindi siya matawag na batang mandirigma.
Sa naging salaysay naman ni alyas Chris, dating supply officer ng rebeldeng RSDG-KRCV, sapilitan din siyang isinama ng rebeldeng grupo upang gabayan sila mula Diwagao Complex patungong San Guillermo. Subalit, pagkarating sa naturang lugar, binigyan na siya ng baril at pinagbuhat ng bomba hanggang sa isinasama na siya sa mga operasyon ng teroristang NPA.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si BGen Laurence E Mina PA, commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa ginagawang pagsisikap ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at sa mga grupong patuloy na sumusuporta sa adbokasiya ng gobyerno upang maiparating sa mga apektadong lugar ng insurhensiya ang ibat-ibang serbisyo.
“Maliban sa kasundaluhan at mga ahensya ng gobyerno, handa ring maghatid ng tulong ang mga Non-Government Organizations upang masigurong walang napag-iiwanan kahit ang mga nasa malalayong lugar. Inuulit ko na ang laban sa insurhensiya ay hindi lamang laban ng kasundaluhan bagkus, ito ay laban ng lahat," aniya.
Sa kasalukuyan ay ipinoproseso na ang mga kailangang dokumento upang makatanggap sila ng tulong mula naman sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan na na nakalaan sa mga nagbabalik-loob na rebelde sa gobyerno. (MDCT/PIA-2)
Nagpahayag naman ng pasasalamat si BGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa ginagawang pagsisikap ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at sa mga grupong patuloy na sumusuporta sa adbokasiya ng gobyerno upang maiparating sa mga apektadong lugar ng insurhensiya ang ibat-ibang serbisyo. “Maliban sa kasundaluhan at mga ahensya ng gobyerno, handa ring maghatid ng tulong ang mga Non-Government Organizations upang masigurong walang napag-iiwanan kahit ang mga nasa malalayong lugar. Inuulit ko na ang laban sa insurhensiya ay hindi lamang laban ng kasundaluhan bagkus, ito ay laban ng lahat.”
https://pia.gov.ph/news/articles/1057816

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.