Posted to Kalinaw News (Nov 30, 2020): NPA sumuko matapos ang sagupaan sa Davao de Oro
Kampo Heneral Manuel T Yan Sr., Mawab Davao de Oro – Sa Barangay San Roque, Nabunturan, DDO nakasagupa ng 25th Infantry Battalion at Nabunturan PNP ang ilang miyembro ng teroristang grupo o NPA noong ika-28 ng Nobyembre, alas 5:30 ng umaga.
Ayon sa ulat na ipinaabot ng 25IB, magkatugmang report galing sa ilang residente ang nagbigay daan upang ikasa ang operasyong militar para pigilan ang masamang balakin ng mga NPA.
Nasa apat na mga miyembro ng NPA ang nakaengkwentro ng 25IB na tumagal ng limang minuto. Ayon sa ulat, isang alias Dennis (di tunay na pangalan) ang nagpasyang sumuko na lamang pagkatapos ng bakbakan dahil natakot siya para sa kanyang buhay. Malugod naman siyang tinanggap ng 25IB at ipinasailalim sa interview at custodial debriefing.
Kasabay na isinuko ni alias Dennis ang kalibre 45 at isang improvised explosive device o anti-personnel landmine.
Si Dennis at ang kanyang isinukong baril at bomba ay nasa pangangalaga ng 25IB na nakabase sa Camp Kalaw, Poblacion, Monkayo, DDO para sa karagdagang mga panayam at tamang disposisyon.
Nagpaabot naman ng mensahe ang Pinuno ng 10ID, Major General Reuben S Basiao PA sa pinuno at kawal ng 25IB.
“Ako’y natutuwa at nagpapasalamat sa inyong mahusay na pagganap ng tungkulin. Kasama ang mamamayan ng Nabunturan, alam kong marami pa tayong magagawang tulong sa mga kababayan natin upang ipagtanggol sila laban sa mga teroristang NPA. Panatilihing matatag, malakas at naka-focus ang ating mga kasundaluhan sa pagsulong ng kapayapaan at kaunlaran sa lugar na inyong nasasakupan.”
Samantala, patuloy na pinaghahanap ng awtoridad ang kasamahan ni Dennis upang hikayating magbalik loob na rin ang mga ito sa pamahalaan.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/npa-sumuko-matapos-ang-sagupaan-sa-davao-de-oro/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.