Sunday, November 1, 2020

Kalinaw News: Mag-ama at isa pa nilang kasamahan na sapilitang nirekrut ng NPA, nagbalik-loob dala ang kanilang armas sa pamahalaan

Posted to Kalinaw News (Nov 1, 2020): Mag-ama at isa pa nilang kasamahan na sapilitang nirekrut ng NPA, nagbalik-loob dala ang kanilang armas sa pamahalaan



CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela – Sumuko ang tatlong indibidwal na sapilitang nirekrut ng rebeldeng New People’s Army dala ang kanilang armas sa kasundaluhan ng 95th, 86th Infantry Battalion at sa kapulisan sa lalawigan ng Isabela noong ika-30 nang Oktubre taong kasalukuyan.

Sa paglalahad ng mag-amang sina alyas Digma/Jin, Medical Officer ng Regional Sentro De Grabidad-Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (RSDG-KRCV) at alyas Paul, 17 taong gulang, pwersahan silang isinampa sa rebeldeng grupo dahil wala na silang marekrut para umanib sa teroristang kilusan.

Pagbabahagi pa ng mag-ama, dinaig nila ang kalagayan ng isang bilanggo dahil sa sobrang hirap ng kanilang naranasan sa kamay ng mga kumander ng RSDG-KRCV.

Ayon kay alyas Paul, tinuruan pa siya ng mga rebeldeng NPA na magsinungaling patungkol sa kanyang tunay na edad para hindi siya matawag na batang mandirigma. Kasama sa kanilag pagsuko ang isang cal. 45 Armscor na baril na in-issue sa kanil ng rebeldeng NPASa naging salaysay naman ni alyas Chris, dating Supply Officer ng rebeldeng RSDG-KRCV, sapilitan din siyang isinama ng rebeldeng grupo upang gabayan sila mula Diwagao Complex patungong San Guillermo.

Subalit, pagkarating sa naturang lugar, binigyan na siya ng baril at pinagbuhat ng bomba hanggang sa isinasama na siya sa mga operasyon ng teroristang NPA.

Isinuko rin niya ang isang M16 rifle na in-issue ng mga rebelde.Ang paglulunsad ng mga programa ng pamahalaan sa kanayunan ng San Guillermo at syudad ng Cauayan katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan maging ng mga Non-Government Organizations, ang naging dahilan sa pagsuko ng tatlong miyembro ng RSDG-KRCV.

Sa kasalukuyan ay ipinoproseso na ang mga kailangang dokumento upang makatanggap sila ng tulong mula naman sa Enhance Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan na na nakalaan sa mga nagbabalik-loob na rebelde sa gobyerno.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si BGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa ginagawang pagsisikap ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at sa mga grupong patuloy na sumusuporta sa adbokasiya ng gobyerno upang maiparating sa mga apektadong lugar ng insurhensiya ang ibat-ibang serbisyo.

“Maliban sa kasundaluhan at mga ahensya ng gobyerno, handa ring maghatid ng tulong ang mga Non-Government Organizations upang masigurong walang napag-iiwanan kahit ang mga nasa malalayong lugar.

Inuulit ko na ang laban sa insurhensiya ay hindi lamang laban ng kasundaluhan bagkus, ito ay laban ng lahat.”

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/mag-ama-at-isa-pa-nilang-kasamahan-na-sapilitang-nirekrut-ng-npa-nagbalik-loob-dala-ang-kanilang-armas-sa-pamahalaan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.