Monday, October 12, 2020

Kalinaw News: Mga Bagong “promote” na kawal pinarangalan, mas mataas na responsibilidad gagampanan

Posted to Kalinaw News (Oct 12, 2020): Mga Bagong “promote” na kawal pinarangalan, mas mataas na responsibilidad gagampanan

Malita, Davao Occidental – Pinarangalan ang 41 na bagong promote na mga kawal ng 73rd Infantry (Neutralizer) Battalion ngayong umaga ng 12 Oktubre 2020 sa kampo ng nasabing batalyon.

Sa pangangasiwa ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, 7 na Technical Sgt, 4 na Staff Sgt, 21 na Seargent, 9 naman na Corporal ang binigyan ng pagpupugay sa bagong yugto ng kanilang pagsusundalo kasabay ng pagpupugay sa watawat na isinagawa.

Sa mensahe na ibinahagi ni Staff Sgt Bred, kanyang sinabi , “sa bawat pag-angat ng ranggo, bago at mas mataas na responsibilidad ang aming magiging tungkulin at dapat gawin.”

Ibinahagi din ni Lt. Col. Valdez ang kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng mga kasundaluhan. Aniya, “Sa pagkakataong ito, masasabi kong nakamit ng ating batalyon ang tagumpay dahil sa ating mga kawal na siyang naging pangunahing pwersa sa pakikipaglaban sa insurgensiya.”

Puspusan ang seguridad na ginagawa ng mga kasundaluhan sa kabundukan upang wakasan ang kahirapan at pighating dulot ng insurgensiya. Panawagan ng 73IB sa mamamayan, huwag mapaglinlang sa mga teroristang NPA. Sa halip, pag-ibayuhin ang matapat at taus-pusong pagganap sa bawat tungkulin natin bilang mga responsable at masisipag na miyembro ng ating lipunan.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/mga-bagong-promote-na-kawal-pinarangalan-mas-mataas-na-responsibilidad-gagampanan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.