Ito ay matapos kumpirmahin ng kapitan ng Nabuclod na si Anita Kapasanan na may mga pribadong indibidwal at grupong nagmamay-ari sa kanilang mga lupang ninuno.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer Eden Ponio, mayroong apat na lugar sa nasabing ancestral domain na sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.
Aniya, ibinigay ng Department of Agrarian Reform o DAR sa mga magsasaka ang titulo ng mga nasabing bahagi ng lupain sa pamamagitan ng Certificate of Land Ownership Awards, bago pa ito maideklarang bahagi ng ancestral domain ng mga katutubo.
Dagdag dito, mayroon ding mga nagmamay-ari ng mga lupaing ito na nakuha ang kanilang mga titulo sa pamamagitan ng programang “Handog Titulo” ng Department of the Environment and Natural Resources o DENR bago pa man maisabatas ang Indigenous People's Rights Act o IPRA noong 1997.
Ayon kay 355th Aviation Engineer Wing Deputy Wing Commander Col. Gerardo Zamudio Jr.,pangunahing layunin ng nasabing grupo na ayusin ang pagmamay-ari ng lupa ng mga pribadong indibidwal sa loob ng ancestral domain ng mga katutubo sa Nabuclod.
Bilang tugon sa mungkahing ito, siniguro ni National Commission on Indigenous Peoples o NCIP Commissioner Rolando Rivera sa mga residente sa pamayanan na nakatuon ang pamahalaang masolusyunan ang nasabing usapin.
Bilang bahagi ng mga tungkulin ng bubuuing technical working group o TWG, pinulong ng mga miyembro ng Poverty Reduction, Livelihood, and Employment Cluster ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang mga katutubo sa Nabuclod sa bayan ng Floridablanca sa Pampanga upang pag-usapan at aksyunan ang kanilang mga hinaing at pangangailangan. (Marie Joy S. Carbungco/PIA 3)
Aniya, sa bisa ng IPRA Law noong 1997, binigyan ng awtoridad ang NCIP na mag-isyu ng mga titulo ng lupa sa mga ancestral domains.
Ayon kay Rivera, susuriin nila ang mga nasabing titulo at makikipag-uganayan sa iba pang mga ahensyang may kinalaman sa nasabing usapin upang matiyak ang pagprotekta sa karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupain.
Hinikayat din niya ang mga katutubong huwag umanib sa mga makakaliwang grupo na nais gamitin ang nasabing isyu upang magambala ang mga serbisyo ng pamahalaan.
Dagdag pa niya, plano ng komisyong makipagpartner sa DAR upang tugunan ang iba pang mga isyung kinakaharap ng mga katutubo.
Bukod sa mga isyu ng ancestral domain, magiging responsible din ang TWG sa pagtugon sa mga hinaing at iba pang mga pangangailangan ng mga katutubong komunidad sa lalawigan.
Kasama rito ang paunang profiling ng mga miyembro ng komunidad; pagrerehistro sa mga ito; pakikilahok sa National Greening Program; at tulong sa paggawa ng mga kalsada.
Ang TWG ay pinamumunuan ng NCIP. Kabilang sa mga miyembo nito ang Land Registration Authority, DENR, DAR, mga lokal na pamahalaan at Land Bank of the Philippines. (CLJD/MJSC-PIA 3)
https://pia.gov.ph/news/articles/1052129

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.