Friday, September 4, 2020

Tagalog News: 5 teroristang NPA, patay sa operasyon ng militar sa Palawan

From the Philippine Information Agency (Sep 4, 2020): Tagalog News: 5 teroristang NPA, patay sa operasyon ng militar sa Palawan (By Orlan C. Jabagat)



Ang tatlo sa limang namatay ay kinilala na sina Bonifacio Magramo na kilala rin sa pangalang Salvador Luminoso na tumatayong spokesperson ng Bienvenido Vallever Command, Andrea Rosal at Ka Cilnon. Hindi naman pinangalanan pa ang dalawa sa mga ito. (Photo by Palawan Task Force - ELCAC)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 4 (PIA) -- Patay ang limang miyembro ng teroristang New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon ng Joint Task Force South/Marine Batallion Landing Team-4 (MBLT-4) kaninang umaga sa Bgy. Mainit sa bayan ng Brookes Point.

Sa panayam ng isang istasyon ng radio sa Puerto Princesa kay 3rd Marine Brigade Commander Brigader General Nestor C. Herico, sinabi nito na tatlong lalaki at dalawang babae na mga miyembro ng New People's Army (NPA) sa Palawan ang namatay kung saan ang tatlo sa mga ito ay kasama sa High Value Individual.

Ang tatlo sa limang namatay ay kinilala na sina Bonifacio Magramo na kilala rin sa pangalang Salvador Luminoso na tumatayong spokesperson ng Bienvenido Vallever Command, Andrea Rosal at Ka Cilnon. Hindi naman pinangalanan pa ang dalawa sa mga ito.

Ayon kay Brig. Gen. Herico, naging susi o malaki ang naitulong ng Pamahalaang Lokal ng Brooke’s Point at mga mamamayan dito na nagsilbing barangay information net upang maging matagumpay ang operasyon ng militar laban sa mga NPA.

Naka-rekober din ang military ng ilang mga armas, mga laptop, cellphone at iba pang mga gamit ng rebelde sa kanilang mga operasyon.

Isa naman ang namatay sa panig ng military.

Patuloy naman ang panawagan ng Palawan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa mga natitira pang miyembro ng teroristang NPA na sumuko na at magbalik-loob sa pamahalaan dahil dito ay may naghihintay sa kanila na magandang kinabukasan kasama ng kanilang mga mahal sa buhay. (OCJ/PIA-MIMAROPA)

https://pia.gov.ph/news/articles/1052114

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.