SAN MARCELINO, Zambales, Setyembre 3 (PIA) -- Nagsagawa ng relief operations ang 3rd Mechanized Infantry Battalion o 3rd Mech sa bayan ng San Marcelino.
Ayon kay 3rd Mech Commanding Officer Lieutenant Colonel Norberto Aromin Jr., hindi mapipigilan ng pandemya ang pagtulong ng gobyerno at Hukbong Katihan sa mga taong naghihikahos ngayon.
Ibinahagi ng 3rd Mech, kasama ng ABS-CBN Sagip Kapamilya Foundation, ang 2,000 food packs sa mga residente ng barangay Buhawen at Sta. Fe.
Namahagi ng food packages ang 3rd Mechanized Infantry Battalion ng Philippine Army sa mga katutubo sa piling barangay sa San Marcelino, Zambales. (3rd Mechanized Infantry Battalion)
Pangunahin sa mga naging benepisyaryo ay ang mga katutubo na labis na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19.
Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan para sa walang sawa at taos pusong pagtulong ng Hukbong Katihan sa mga kapus-palad na higit na nagangailangan ng tulong sa mga ganitong panahon. (CLJD/CJFV-PIA 3)
https://pia.gov.ph/news/articles/1052180

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.