Wednesday, July 8, 2020

CPP/Ang Bayan: Ulat ng mga paglabag sa karapatang-tao

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 7, 2020): Ulat ng mga paglabag sa karapatang-tao

ANG BAYAN
JULY 07, 2020

Sa talaan ng Ang Bayan, umabot na sa 24,638 (o 135 kada araw) ang naging biktima ng iba’t ibang tipo ng paglabag sa karapatang-tao mula Enero 1 hanggang Hunyo 30 ngayong taon. Hindi pa kabilang sa suma na ito ang puo-puong libong arbitraryong nilabag ang karapatan dahil sa umano’y mga paglabag sa lockdown sa panahon ng pandemya.

Sa loob ng anim na buwan, umabot sa 46 aktibista at sibilyan ang naging biktima ng pampulitikang pamamaslang, habang 425 naman ang inaresto at idinetine. Mga magsasaka ang kalakhan sa mga pinaslang (32) at inaresto (280). Mayorya sa kanila ay pinaslang sa Bicol (14) at inaresto sa North Central Mindanao Region (140).

Mula Marso 15, nakapagtala rin ang Ang Bayan ng iba’t ibang porma ng pang-aatakeng militar sa hindi bababa sa 625 barangay ng 247 bayan at lunsod sa 54 prubinsya kasabay ng pananalasa ng pandemyang Covid-19. Naiulat nito ang 17 kaso ng pambobomba, istraping at panganganyon sa panahon ito, kung saan 15 ay naganap sa Mindanao. Nagresulta ang mga pang-aatakeng ito sa pagbabakwit ng hindi bababa sa 15,768 sibilyan. Pinakamarami sa mga bakwit ay mula sa Western Mindanao (11,810).

Ang matinding opensiba laban sa mamamayan sa unang hati ng taong 2020 ay direktang resulta ng kampanya kontra-insurhensya ng rehimen na pinangungunahan ng mga armadong galamay nito at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Mga paglabag sa karapatang-tao (Enero-Hunyo 2020)

Pampulitikang pagpaslang 46
Tangkang pagpaslang 21
Pag-aresto at detensyon 424
Pagbabanta, panggigipit, intimidasyon 3,292
Pagbabakwit 1,7193
Pagwasak sa ari-arian 72
Iligal na paghalughog at pagkumpiksa 46

Pambobomba 4
Panganganyon 11
Istraping 2

https://cpp.ph/2020/07/07/ulat-ng-mga-paglabag-sa-karapatang-tao/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.