ANG BAYAN
JULY 07, 2020
TATLUMPU’T ISANG RALIYISTA ang inaresto sa dalawang magkahiwalay na insidente nitong nagdaang mga linggo. Inilunsad ang mga protesta para tutulan ang batas sa terorismo ni Duterte.
Marahas na inaresto ng mga pulis ang 20 LGBT (lesbyana, bakla, bisekswal at transgender) at kanilang mga tagasuporta na nagprotesta sa paanan ng Mendiola sa Maynila noong Hunyo 26 bilang paggunita sa Pride Month. Pinangunahan ng organisasyong Bahaghari ang pagkilos ng mga LGBT laban sa tiraniya ng rehimeng Duterte. Arbitraryong idinetine ang mga biktima sa loob ng apat na araw.
Noong Hulyo 4, dinakip din ang 11 aktibista sa Cabuyao, Laguna na nagprotesta isang araw matapos pirmahan ni Rodrigo Duterte ang Anti-Terror Law. Tapos na ang kanilang protesta nang harangin at arestuhin sila ng pinagsanib na pwersa ng 2nd ID na naka-full battle gear at mga pulis ng Cabuyao. Dinala sila sa presinto at ikinulong nang tatlong araw.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/07/07/31-raliyista-inaresto/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.