Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 7, 2020): Bagong lipat na mga batalyon, binigwasan
ANG BAYAN
JULY 07, 2020
Napangibabawan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Eastern Samar (Sergio Lobina Command) ang atake ng bagong lipat na 78th IB sa Barangay Balingasag, Oras noong Hunyo 26. Nasamsam ng mga Pulang mandirigma mula sa mga sundalo nito ang dalawang ripleng R4 sa engkwentro. Kinukumpirma pa ang ulat na di bababa sa 10 sundalo ang napatay sa labanan. Nanggaling sa Leyte ang naturang batalyon.
Inisnayp naman ng BHB-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command) ang 19th IB sa Sityo Galutan, Hagbay, San Jose de Buan noong Hulyo 1. Bagong lipat naman ang 19th IB mula sa North Cotabato. Binansagang “masaker batalyon” ang naturang yunit noong panahon ng rehimeng Arroyo dahil sa tindi at lala ng mga paglabag nito sa karapatang-tao. Una na itong naghasik ng teror sa Leyte. Kabilang sa mga krimen nito ang masaker sa walong magsasaka sa Palo at masaker sa Kananga kung saan pinatay ang siyentistang na si Prof. Leonard Co.
Samantala, pinaputukan ng BHB-Albay ang mga tropa ng pulis na nag-ooperasyon sa Barangay San Isidro, Jovellar noong Hunyo 23 nang madaling araw. Tugon ito ng BHB sa papatinding atakeng ala-SEMPO ng Joint Task Force Bicolandia. Isang pulis ang napatay habang tatlo ang nasugatan. Noong Hulyo 2, pinaputukan ng BHB-Sorsogon ang kampo ng 31st IB sa Sityo Cabugaan, Barangay San Isidro, Bulan, Sorsogon.
Sa Negros Occidental, patay sa pananambang ng BHB ang isang elemento ng 62nd IB sa Sityo Compound, Barangay Luz, Guihulngan City noong Hulyo 2, ala-5 ng hapon. Nakumpiska mula sa kanya ang isang kalibre .45 na pistola. Nag-ooperasyon sila sa mga baryo ng Central Negros na pinaghihinalaang sumusuporta sa BHB sa tabing ng Community Support Program (CSP).
Sa Antique, pinasabugan ng BHB-Antique ang tropa ng 61st IB na lulan ng dalawang sasakyang pangmilitar sa Barangay Igbagacay, Hamtic noong hatinggabi ng Hulyo 2. Apat ang napatay at dalawa ang nasugatan sa mga sundalo.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/07/07/bagong-lipat-na-mga-batalyon-binigwasan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.