Wednesday, July 8, 2020

CPP/Ang Bayan: 50 milisya, nagtapos ng pagsasanay-militar sa Samar

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 7, 2020): 50 milisya, nagtapos ng pagsasanay-militar sa Samar

ANG BAYAN
JULY 07, 2020



Nagtapos sa Batayang Kurso sa Pulitiko-Militar ang 50 myembro ng milisyang bayan sa isang larangang gerilya sa Samar noong Abril. Mayorya sila sa 82 treyni na kumuha ng kurso. Ang 32 ay mga regular na Pulang mandirigma.

Mula sa limang baryo ang naturang mga myembro ng milisyang bayan na nagsanay sa loob ng pitong araw. Anim na instruktor ang nagbigay ng kurso. Sa tulungan ng mga instruktor at estudyante at sa tulong ng malapit na tsapter ng Kabataang Makabayan, naidaos nang ligtas ang pagsasanay-militar.

Sa isinagawang pagtatasa ng pagsasanay, maraming treyni ang kinakitaan ng potensyal na maging kadre-militar. Nakita ang determinasyon ng mamamayan na isulong ang digmang bayan sa laki ng bilang ng mga milisyang lumahok sa pagsasanay. Gayunpaman, may nakitang ilang kahinaan sa mga treyni sa pagpapatupad sa mga drill at ilang pagluwag sa mga patakaran.

Mahigpit ang pagtutulungan ng mga instruktor. Tulad sa anumang pag-aaral, napangibabawan nila ang mga gusot sa pamamagitan ng pagtatasa kada araw habang inihahanda ang mga aralin. Kabilang sa pagsisikap nilang pagkahusayan ang pagkakaisa sa pagbibigay ng mga kumand sa panahon ng ehersisyo at mga pagsasanay.

Bahagi ang pagsasanay sa pagsisikap ng kumand sa operasyon ng Bagong Hukbong Bayan sa rehiyon na itaas ang kakayahan ng mga Pulang mandirigma sa digma, kapwa ang mga pultaymer at partaymer. Ito ay paghahanda sa paglulunsad ng mas masisinsing taktikal na opensiba bilang tugon sa papatinding kontra-rebolusyonaryong gera ng rehimeng Duterte.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/07/07/50-milisya-nagtapos-ng-pagsasanay-militar-sa-samar/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.