ANG BAYAN
JULY 07, 2020
Nagtipon ang 1,500 aktibista sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City noong Hulyo 4, isang araw matapos pirmahan ni Rodrigo Duterte ang Republic Act 11479 o ang tinaguring batas kontra-terorismo. Pinangunahan ng Movement Against Tyranny at Bagong Alyansang Makabayan ang protesta, kasama ang iba’t ibang organisasyong pambansa-demokratiko.
Nakipagkaisa sa mga raliyista ang iba pang mga grupong tutol sa batas, kabilang ang mga lider ng tradisyunal na oposisyon. Nagsagawa rin ng mga protesta sa Bacolod City, Cavite, Laguna, Cagayan, mga Pilipino sa Hong Kong, at maging sa harap ng Philippine Embassy sa Washington DC, US.
Pinirmahan ni Duterte ang panukala sa kabila ng malawak na pagtutol ng mamamayan.
Kaugnay nito, nagsumite na ng apat na petisyon sa Korte Suprema ang mga progresibong mambabatas, abugado at akademiko para ibasura ang batas na ito. Nakatakdang magkabisa ang batas sa Hulyo 19.
Nagprotesta naman ang mga mamamahayag noong Hulyo 3 sa Quezon City bilang suporta sa panawagang ibalik sa ere ang ABS-CBN. Tumuloy sa upisina ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga raliyista. Nakatakdang maglabas ng desisyon ang Kongreso kaugnay sa papalawig ng prangkisa ng kumpanya sa Hulyo 7.
Bago nito, nagprotesta rin ang Kilusang Mayo Uno sa CHR sa okasyon ng ika-apat na taon ni Duterte noong Hunyo 30. Humiga sila sa harap ng upisina bilang simbolo ng pagkamatay ng batayang mga karapatan at kabuhayan sa ilalim ng rehimen. Kinalampag din ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang Department of Agriculture sa Quezon City para ipahayag ang galit sa kainutilan ng ahensya sa pagtulong sa mga magsasaka. Binatikos din nila ang korapsyon sa ahensya, sa porma ng sobra-sobrang pagpresyo sa abono na ipinamahagi bilang ayuda sa panahon ng pandemya.
https://cpp.ph/2020/07/07/aktibista-hindi-terorista/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.