Wednesday, May 20, 2020

CPP/Ang Bayan: Perwisyong 20th IB, pinaputukan ng BHB-Northern Samar

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 21, 2019): Perwisyong 20th IB, pinaputukan ng BHB-Northern Samar



Tatlong ulit na pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ng BHB-Northern Samar (Rodante Urtal Command) and mga sundalo ng 20th IB na walang katapusang perwisyo ang hatid sa Barangay San Miguel, Las Navas.

Isang sundalo ang napatay sa pag-isnayp ng mga Pulang mandirigma sa kanilang pansamantalang kampo noong Mayo 9. Bilang ganti, pinaputukan ng mga sundalo ang dalawang bahay ng mga magsasaka sa Zone 7 ng nasabing barangay. Dahil dito, lumikas ang mga residente ng nasabing purok. Kinagabihan, muling hinaras ng BHB-Northern Samar ang mga sundalo.

Isang araw bago nito, hinaras ng mga Pulang mandirigma at milisyang bayan ang kampo ng mga sundalo na ilang metro lamang ang layo sa eskwelahan. Dalawang sundalo ang malubhang nasugatan.

Mula pa Marso 9 nagsasagawa ng operasyong Retooled Community Support Program (RCSP) ang 20th IB sa San Miguel gayundin sa mga kalapit nitong baryo ng Perez, Quirino at San Francisco. Hindi ito umalis kahit noong nagpatupad ng tigil-putukan ang rehimeng Duterte. Tuluy-tuloy rin ang pananakot at sapilitang pagpapasuko ng mga sundalo sa mga residente at upisyal ng barangay. Labas-masok sila sa mga baryo at lumalapit sa mga residente nang walang ginagawang pag-iingat laban sa pagkalat ng Covid-19 gaya ng pagsuot ng face mask o pagmamantine ng distansya. Nangunguna pa sila sa mga pagtitipon gaya ng pagsasabong.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/05/21/perwisyong-20th-ib-pinaputukan-ng-bhb-northern-samar/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.