Saturday, March 28, 2020

CPP/NPA-Bicol: Bukas na liham para sa mga sundalo at pulis hinggil sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay — NDF-Bicol

NPA-Bicol propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 28, 2020): Bukas na liham para sa mga sundalo at pulis hinggil sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay — NDF-Bicol

MARIA ROJA BANUA
SPOKESPERSON
NDF-BICOL
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
MARCH 28, 2020



Sa kasundaluhan at kapulisan,

Maalab na pagbati mula sa mga kasama!

Nakikiisa kami sa inyong kahingiang magkaroon ng kagyat na solusyon ang COVID-19. Naiintindihan namin ang pag-aalala ninyo sa inyong mga pamilya at ang inyong pangambang mahawa sa kumakalat na pandemya. Sukdulang pang-aalipin na ipain kayo ng mga upisyal-militar na nagpapakasarap sa kani-kanilang magagarang bahay habang kailangan ninyong tumungo sa mga checkpoint. Tiyak na kayo man ay nagtataka kung epektibong solusyon ang lockdown para maagapan ang pagkalat ng COVID-19.

Nagmula na mismo kay Capt. John Paul Belleza na mayroon nang mga sundalong under monitoring at nagpapakita ng mga sintomas ng COVID-19. Kung tunay na mayroong malasakit ang inyong mga upisyal, bakit kayo patutunguhin sa mga checkpoint nang wala lamang sapat na kagamitan upang hindi kayo mahawa? Sa bilyun-bilyong pondo ng AFP at PNP, pinapunta nito ang kani-kanilang mga elemento sa checkpoint, bitbit ang kanilang mga baril ngunit walang ni isang face mask o hazmat suit upang protektahan ang kanilang mga sarili mula sa pagkahawa.

Mayroon mang testing centers sa loob ng mga kampo ng militar, hindi nito mababawasan ang bulnerabilidad ng inyong hanay. Gayundin, tadtarin man ng checkpoints, bantayan niyo man bawat oras sa buong araw, buong linggo o gaanupaman katagal italaga ang lockdown, hindi bababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Bagkus, higit itong dumarami – at lalong bumibilis ang tantos ng pagdami nito sa bawat araw, kabilang na sa hanay ng inyong mga kapwa sundalo at pulis.

Ang COVID-19 ay hindi lamang isyung pangkalusugan. Pinatitingkad nito ang malawak nang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, sa pagitan ng naghaharing uri at inaapi at pinagsasamantalahan. Kayo mismo ay bahagi ng inaalipin – alipin ng mga diktador, pasista at berdugong upisyal-militar. At ang lahat ng inaalipin at pinagsasamantalahan ay higit na bulnerable sa COVID-19 at anumang sakunang darating sa lipunang Pilipino.

Serbisyong medikal at sanitasyon, hindi mga checkpoint at baril, ang wastong solusyon upang maagapan ang COVID-19. Makiisa sa panawagang panagutin ang rehimeng US-Duterte sa lantarang kapabayaan nitong tugunan ang mga batayang pangangailangan ng taumbayan. Malayo sa hinuhang masolusyunan ng militaristang pamamaraan ang isang isyung pangkalusugan. Huwag ninyong hayaang gamitin kayo ng inyong mga upisyal at ilagay sa kapahamakan. Tatanggapin ng mga yunit ng hukbo at sonang gerilya ang mga nais tumangan ng armas, para palayain angmamamayan.

Magkaisa at lumaban! Magtarabangan para sa namamanwaan!

https://cpp.ph/statement/bukas-na-liham-para-sa-mga-sundalo-at-pulis-hinggil-sa-dumaraming-kaso-ng-covid-19-sa-kanilang-hanay-ndf-bicol/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.