Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 21, 2020): Sayaw-protesta para sa kabuhayan, karapatan
Nagtipon sa Mendiola, Manila ang mga progresibong grupo para sa taunang One Billion Rising (OBR) noong Pebrero 14. Pinangunahan ng Gabriela ang programa at sayaw-protesta.
Magmula 2012 ay taun-taon nang isinasagawa ang OBR, isang kampanya ng pagkakaisa ng mga kababaihan sa buong mundo para labanan ang karahasan sa kababaihan at mga bata. Nilalahukan ito ng mahigit 200 bansa sa buong mundo.
Ngayong taon, sa temang “Raise the Vibration, Rise for Revolution” dinala nila ang pagkakaisa laban sa pagkasira ng kalikasan, kasakiman ng mga korporasyon at pagsikil ng mga maka-kanang gubyerno sa karapatang-tao.
Nakiisa ang mga kababaihan sa panawagan ng mga magsasaka na “Rise for Rice” (Tumindig para sa Bigas) laban sa pahirap na Rice Liberalization Law sa unang taong anibersaryo ng pagkakapasa nito.
Ayon sa IBON, tinatayang nalugi ng P84.4 bilyon ang mahigit sa dalawang milyong magsasaka noong 2019 dahil sa pagbaba ng presyo ng palay. Ito ay katumbas ng P35,328 kada magsasaka.
Nakiisa rin ang mga kababaihan sa pagtindig ng mga Lumad laban sa patuloy na panggigipit at pasistang atake sa kanilang hanay.
Noong Pebrero 13, dumalo ang pandaigdigang kinatawan ng OBR na si Monique Wilson at aktres na si Mae “Juana Change” Paner sa programa sa Davao City. Naglunsad din ng kaparehong mga protesta sa lunsod ng Cebu, Baguio, Iloilo at iba pa.
Samantala, nagprotesta rin ang Gabriela noong Pebrero 21 sa harap ng Camp Aguinaldo, Quezon City para ipanawagan na ilipat sa New Bilibid Prison si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton. Hinamon nila ang reaksyunaryong gubyerno na panindigan ang pagpapawalang-bisa sa Visiting Forces Agreement at parusahan si Pemberton na pumatay sa transwoman na si Jennifer Laude noong 2014.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/02/21/sayaw-protesta-para-sa-kabuhayan-karapatan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.