Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 21, 2020): Amyenda sa PSA, nilalantad ang pangangayupapa #ni Duterte sa imperyalismong US—PKP
Sa isang pahayag noong Pebrero 20, binatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pagratsada ni Duterte, kanyang maka-US na mga teknoktrata at sinuhulang supermayorya sa Kongreso sa pag-amyenda sa Public Security Act (PSA). Ang repormang ito, na nilagdaan niyang “kagyat” at bahagi ng kanyang lehislatibong adyenda, ay ipinasa ng reaksyunaryong Kongreso sa ikalawang pagbasa noong Pebrero 18. Tatanggalin nito ang telekomunikasyon at transportasyon sa listahan ng mga “pampublikong serbisyo” upang baklasin ang natitirang mga restriksyon sa pagpasok ng dayuhang pamumuhunan sa bansa.
Anang PKP, ipinatupad ito ni Duterte para patunayan ang kanyang halaga bilang aset ng US matapos kanselahin ang Visiting Forces Agreement. Ang amyenda ay bahagi ng mga repormang ipinataw ng US sa bansa para tuluyang ibuyangyang ang ekonomya sa kapakinabangan ng mga dayuhang monopolyo kapitalista.
Sa partikular, ang pagtatanggal sa nasabing mga industriya sa listahan ng mga pampublikong yutilidad ay kabilang sa mga rekomendasyon ng American Chamber of Commerce sa ilalim ng programa nitong The Arangkada Philippines Project (TAPP). Sa pamamagitan ng pagbaklas ng limitasyon sa maaaring pagmay-arian ng mga dayuhan sa mga industriyang ito, ipaiilalim ni Duterte ang mamamayang Pilipino sa mas masahol na mga porma ng imperyalistang dominasyon dahil mabibigyan ng laya ang mga dayuhang kapitalista na buu-buong makapagmay-ari at magkontrol sa operasyon ng estratehikong lokal na mga empresa.
Pagkapasa ng amyenda, tiyak na kikita si Duterte at ang kanyang mga alipures ng bilyun-bilyong dolyar na suhol at lagay mula sa mga dayuhang kontraktor na magpapanukala ng kani-kanilang “unsolicited” na mga proyekto at konsesyon.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/02/21/amyenda-sa-psa-nilalantad-ang-pangangayupapa-ni-duterte-sa-imperyalismong-us-pkp/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.