Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 21, 2020): Julius Giron, lider-PKP at 2 pa, pinaslang sa Baguio City
Minasaker ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya sina Julius Giron (Ka Nars), kanyang duktor na si Ma. Lourdes Dineros Tangco, at kasama sa bahay na si Arvie Alarcon Reyes dakong alas-3 ng madaling araw noong Marso 13 sa Barangay Queen of Peace, Baguio City.
Isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ng militar na naghahapag lamang sila ng arrest warrant at na “nanlaban” ang tatlo kaya sila pinaslang. Nagpapagaling lamang noon si Ka Nars, edad 70, sa kanyang nararamdamang mga sakit na dulot na ng katandaan.
Isa si Ka Nars sa matatatag na myembro ng Komite Sentral at ng Kawanihan sa Pulitika (Politburo) ng Partido. Susi siya sa muling pagbubuo ng pamunuan ng PKP at sa paglulunsad ng makasaysayang kongreso nito noong 2016. Isa siya sa maniningning na halimbawa sa walang pag-iimbot na paglilingkod sa mamamayan. Ipinagluluksa ng buong rebolusyonaryong kilusan ang kanyang pagkamatay.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/03/21/julius-giron-lider-pkp-at-2-pa-pinaslang-sa-baguio-city/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.