Friday, January 24, 2020

CPP/Ang Bayan: Panggigipit sa mga dalaw ng Kapatid

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jan 7, 2020): Panggigipit sa mga dalaw ng Kapatid

KINUNDENA NG MGA kaanak ng mga bilanggong pulitikal (Kapatid) ang panggigipit ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga dumadalaw sa bilangguan.

Ayon kay Jimmylisa Badayos, sapilitan siyang ipinailalim sa strip and cavity search (pagpapahubad at pag-inspeksyon sa mga butas ng katawan kabilang ang ari) noong Disyembre 29 sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Ayon sa Kapatid, kahiya-hiya at nagdudulot ng trauma ang paraang ito ng pagrekisa ng BJMP. Si Badayos ay asawa ng bilanggong pulitikal na si Calixto Vistal.

Bago nito, inireklamo ng grupo ang pag-antala sa kanilang dalaw noong Disyembre 21. Dahil dito, hindi naidaos ang taunang Paskuhan para sa mga bilanggong pulitikal. Hindi rin sila pinayagang dumalaw sa sumunod na araw.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/01/07/panggigipit-sa-mga-dalaw-ng-kapatid/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.