Friday, January 24, 2020

CPP/Ang Bayan: Drone at 3 armas nasamsam ng BHB sa Samar

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jan 7, 2020): Drone at 3 armas nasamsam ng BHB sa Samar

INAMBUS NG BAGONG Hukbong Bayan (BHB)-Eastern Samar ang mga elemento ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company sa Barangay Libuton, Borongan City noong Disyembre 13, alas-3 ng hapon. Tatlong pulis ang napatay at tatlo ang sugatan matapos silang pasabugan at paputukan ng mga Pulang mandirigma. Nakumpiska mula sa mga pulis ang isang yunit ng drone, tig-isang M-16 at M4, pistolang 9mm at mga kagamitang militar.

Kinundena ng BHB-Eastern Samar ang pagpapakalat ng pekeng balita ng 8th ID at pulisya hinggil umano sa mga sibilyang “nadamay” sa ambus. Mariin itong pinasinungalingan ng mga sibilyan na nagsabing malayo sila sa pinangyarihan ng engkwentro. Anila, hiwalay na aksidente ang dahilan ng pagkasawi ng nasabing mga sibilyan kung saan sumalpok ang traysikel na kanilang sinasakyan sa kasalubong na van.

Ipinakalat ng militar at pulisya ang pekeng balita para pagtakpan ang kanilang pagkatalo at pigilan ang noo’y pinaplanong muling pagbuhay sa usapang pangkapayapaan.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/01/07/drone-at-3-armas-nasamsam-ng-bhb-sa-samar/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.