Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jan 7, 2020): Mga kumperensya sa propaganda at edukasyon, idinaos sa Panay
Matagumpay na inilunsad ng PKP sa isla ng Panay ang mga kumperensya sa gawaing edukasyon at propaganda. Sa gitna ng patuloy na pag-atake ng kaaway sa buong isla, nagtipon ang mga kadre ng iba’t ibang organo sa ilalim ng komiteng rehiyon upang tasahin ang kabuuang takbo ng mga gawain sa edukasyon at propaganda. Binalangkas din ng mga kumperensya ang mga programa sa edukasyon at propaganda para sa susunod na taon.
Napapanahong pagsisikap ang mga kumperensyang ito upang higit pang isulong ang mga panawagan ng Partido na i-abante ang yugto ng digmang bayan at higit na patalasin ang rebolusyonaryong ulos sa dibdib ng rehimeng US-Duterte.
Nasa pinakamahusay na kundisyon ang gawain sa rebolusyonaryong edukasyon at propaganda para sa dagdag na buwelo ng mga ito.
Ang mga kadre na nakatutok sa gawain sa rebolusyonaryong edukasyon at propaganda, sa iba’t ibang antas, ay may malalim na paggagap sa rebolusyonaryong teorya. Relatibong may mahaba na rin silang praktika sa naturang larangan ng gawain. Malaking bahagi ng mga delegado ay mga kabataan at nasa gitnang edad (42%), at 16% naman ang mga kadreng nasa abanteng edad.
Sapat na puhunan ito sa pag-abot sa daan-daanlibo, kundi man milyong mamamayan upang imulat sila, maorganisa at mapakilos sa rebolusyonaryong adhikain.
Sa pagtatapos ng kumperensya sa edukasyon, ipinanawagan na higit pang palakihin ang kapasidad ng mga organo ng Partido sa pagbibigay ng mga pangmasa at pampartidong edukasyon. Nilayon ring bigkisin sa ideolohiya ang mamamayan, organisadong masa at kasapian ng Partido sa pamamagitan ng malawakang edukasyon at sa tatlong antas na kursong pampartido.
Samantala, sa ilalim ng panawagang “Palaparin at pasiglahin ang hukbong propaganda ng Partido sa rehiyon! Kamtin ang posturang opensiba sa propaganda!” ipinanawagan sa kumperensya sa propaganda ang higit na pagpasigla sa kontra-opensibang propaganda laban kay Duterte. Ipinanawagan rin ng Partido sa kanyang hukbong propaganda na itodo ang buwelo sa paglantad sa kalagayan ng basehang masa at ibandila ang mga panawagan para sa pambansang demokrasya at armadong pakikibaka.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/01/07/mga-kumperensya-sa-propaganda-at-edukasyon-idinaos-sa-panay/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.