Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Nov 7, 2019): Panggigipit sa Kamaynilaan
ILIGAL NA INARESTO ng mga pulis ang mag-asawang aktibista na sina Cora Agovida at Michael Tan Bartolome sa kanilang bahay sa Paco, Manila noong Oktubre 31, alas-5 ng umaga. Nagmula sa Manila Police District at Criminal Investigation and Detection Group ang mga nang-aresto.
Nagtanim ng ebidensyang mga pasabog ang mga pulis upang sampahan ng gawa-gawang kaso at hindi makapagpyansa ang mga biktima. Si Agovida ay pangulo ng Gabriela-Metro Manila habang si Bartolome naman ang upisyal sa kampanya ng Kadamay-Metro Manila.
Kasunod nito, nilusob ng mga pulis ang upisina ng Bayan-Metro Manila sa Clemente St., Barangay 183 sa Tondo, Manila noong Nobyembre 5, ala-una ng madaling araw. Nagtanim din ng ebidensya ang mga pulis at iligal na dinakip sina Ram Carlo Bautista, direktor sa mga kampanya ng Bayan-Manila, si Alma Moran, myembro ng kalihiman ng Manila Workers Unity, at si Ina Nacino, koordineytor ng Kadamay-Manila.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2019/11/07/panggigipit-sa-kamaynilaan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.