Sunday, November 10, 2019

CPP/Ang Bayan: Mga mamamahayag, delikado sa Pilipinas

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Nov 7, 2019): Mga mamamahayag, delikado sa Pilipinas

SA TATLONG MAGKAKASUNOD na taon, nanatiling panglima ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na Global Impunity Index (GII) ayon sa ulat noong Oktubre 29 ng Committee to Protect Journalists (CPJ). Ang GII ay sumusukat sa bilang ng mga hindi nareresolbang kaso ng ekstrahudisyal na pagpaslang sa mga mamamahayag. Nakapagtala ang CPJ ng 41 kaso sa Pilipinas na tinatayang pinakamalaki sa buong mundo.

Kabilang sa listahan ang mga bansang may gera tulad ng Syria at Iraq. Kasama rin ang Somalia, South Sudan, Afghanistan, Mexico, Pakistan at Brazil.

Sa ilalim ng rehimeng Duterte, 13 mamamahayag na ang pinaslang ayon sa National Union of Journalists of the Philippines. Makailang ulit na pinagbantaan ni Duterte ang mga mamamahayag at hinikayat ang pagpaslang sa kanila.

Nitong Oktubre, tatlong kaso ng pagpaslang at panggigipit sa mga mamamahayag ang naitala. Sa Arayat, Pampanga, namatay si Jupiter Gonzales, manunulat sa Remate, matapos barilin ng hindi nakilalang mga suspek noong Oktubre 20.

Samantala, makailang beses na pinaputukan ang presidente ng Sultan Kudarat Provincial Task Force on Media Security at tagapangasiwa ng Radyo ni Juan na si Benjie Caballero noong Oktubre 30.

Kabilang naman sa 57 na iligal na inaresto ng mga pulis noong Oktubre 31 sa Bacolod City si Anne Kreuger, mamamahayag ng Paghimutad.

Ang mga kasong ito ay naganap ilang araw bago gunitain ang International Day to End Impunity for Crimes against Journalists noong Nobyembre 2.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/11/07/mga-mamamahayag-delikado-sa-pilipinas/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.