Tuesday, October 22, 2019

CPP/Ang Bayan: Mga manggagawa sa NKTI, nagtagumpay

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Oct 21, 2019): Mga manggagawa sa NKTI, nagtagumpay

INIANUNSYO NOONG OKTUBRE 11 ng asosasyon ng mga manggagawang pangkalusugan sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang kanilang mga tagumpay sa kanilang collective negotiating agreement (CNA) sa maneydsment ng ospital.

Nagiit ng mga manggagawa ang pagbibigay sa kanila ng mga benepisyo tulad ng dagdag na pondong paluwagan (P5,000 kada manggagawa), libreng pagkain, libreng ospitalisasyon para sa pagpapa-opera at iba pang benepisyong medikal, at dagdag na pondo para sa mga magreretiro (P70,000).

Ang NKTI ay ospital na nag-eespesyalisa sa paggamot sa mga sakit sa bato. Bagamat kontrolado ito ng estado, matataas ang bayarin dito dahil korporatisado ang pamamalakad nito at ang oryentasyon nito ay kumita. Ang asosasyon ng mga empleyado rito (NKTI Employees Association) ay myembro ng Alliance of Health Workers.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/10/21/mga-manggagawa-sa-nkti-nagtagumpay/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.