Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Oct 21, 2019): Ikaapat na edisyon ng MKLRP, inilabas
INILABAS NOONG SETYEMBRE 23 ang ikaapat na edisyon ng Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino (MKLRP). Ang MKLRP ay saligang kursong pag-aaral na inililimbag ng Partido sa pamamagitan ng Pambansang Kagawaran sa Edukasyon (PAKED). Sa edisyong ito ng MKLRP, idinagdag ang seksyon tungkol sa rehimeng Benigno Aquino III. Kininis din ang diskusyon hinggil sa mga naunang rehimen matapos ibagsak ang rehimeng Marcos.
Nananawagan ang PAKED sa lahat ng rebolusyonaryong pwersa na lalo pang pasiglahin ang pag-aaral ng MKLRP at gamitin ito bilang sandata sa pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa sa kanayunan at kalunsuran.
Makukuha ang kopya ng pinakahuling edisyon ng MKLRP sa www.cpp.ph.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2019/10/21/ikaapat-na-edisyon-ng-mklrp-inilabas/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.