Friday, September 27, 2019

Tagalog News: Mahigit 2,000 residente nakinabang sa 'Project Heart' ng PNP Caraga

From the Philippine Information Agency (Sep 27, 2019): Tagalog News: Mahigit 2,000 residente nakinabang sa 'Project Heart' ng PNP Caraga

LUNGSOD NG BUTUAN -- Mahigit 2,000 residente sa Barangay San Antonio, bayan ng Remedios T. Romualdez (RTR) sa Agusan del Norte ang nakinabang sa isinagawang outreach program kamakailan na tinawag na “Project Kasing-Kasing” o “Project Heart” ng Philippine National Police (PNP) Caraga, 33 porsyento nito ay mga Indigenous Peoples (IPs).

Tumanggap ng libreng gamot ang mga residente matapos dumaan sa medical check-up, tooth extraction, eye check-up, at circumcision. Nabigyan din sila ng school supplies, tsinelas, laruan, libreng gupit, at food packs.

Laking pasasalamat din ni Mayor Richard Daquipil sa PNP dahil sa napili ang kanyang barangay na maging benepisyaryo ng outreach program. Ang Barangay San Antonio ay napabilang sa NPA-affected barangay sa rehiyon ng caraga.

Ilan-ilang insidente na rin ang naitala sa lugar kung saan nagdulot ng pangamba sa seguridad ng mga residente. Matatandaan na noong nakaraang taon, tatlong sundalo ang napatay sa pag-ambush ng teroristang grupong Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa nasabing lugar

Ayon kay dating PNP Caraga Regional Director Police Brigadier General Gilberto Dc Cruz, ang “Project Heart” ay flagship program ng Police Regional Office 13 na layung matulungan ang mga kababayang mahihirap na nasa liblib na lugar ng rehiyon. layun din nitong mas pagtibayin pa ang magandang relasyon ng mga kapulisan sa ibat-ibang komunidad na apektado ng insurhensiya.

Ito ay isang paraan din ng PNP sa pagpapatupad ng Executive Order No. 70 o ang whole of nation approach sa pagsugpo ng insurhensiya at pagkamit ng pangmatagalan na kapayapaan at kaunlaran sa bansa.

Ibinahagi rin ng opisyal na mula Enero hanggang Agosto ngayong taon, may kabuuang 2,000 Caraganons na ang nakabenepisyo sa kanilang “Project Heart.” (JPG/PIA-Caraga)

https://pia.gov.ph/news/articles/1027935

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.