LUNGSOD NG CABADBARAN, Agusan del Norte -- Mahigit 200 myembro at supporters ng New People's Army o NPA sa tatlong barangay ng RTR, Agusan del Norte ang nagbalik loob at makikipagtulongan sa gobyerno upang tuluyang sugpuin ang insurhensiya sa lugar.
Sa ginawang provincial peace and order council o PPOC immersion sa barangay ng Tagbongabong sa bayan ng RTR, nanumpa silang itakwil ang teroristang grupo at nangakong makipagtulungan sa gobyerno at makipag-ugnayan sila sa militar upang tuluyang masugpo ang mga gawaing terorista ng mga NPA.
Pahayag pa ni Rocky, dating miyembro ng militia ng bayan, malaki ang tulong ng kanyang pagbabalik-loob sa gobyerno dahil makapag-aral na ng maayos ang kanyang anak.
Isinalaysay din ni Edwin ang hirap na kanyang naranasan noong siya pa ay miyembro ng NPA, umaasa siyang sa pagbabalik-loob nya sa gobyerno mag iba ang takbo ng kanyang buhay.
Ayon kay Brigadier General Maurito Licudine ng 402nd Infantry Brigade, Philippine Army ang barangay ng Tagbungabong, Balang-balang, San Antonio at Mahaba sa bayan ng RTR ay mga rebel-infested barangays kung saan dito ang mga NPA kumukuha ng mga bago nilang kaanib at mga susuporta. (May Amor O. Alabado/NCLM, PIA Agusan del Norte)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.