Monday, June 10, 2019

Tagalog News: Pagdi-deklara sa mga grupong terorista sa Palawan bilang ‘persona non grata’, isinusulong

From the Philippine Information Agency (Jun 10, 2019): Tagalog News: Pagdi-deklara sa mga grupong terorista sa Palawan bilang ‘persona non grata’, isinusulong

PUERTO PRINCESA, Palawan --- Patuloy ang pagsusulong ng Western Command (WESCOM) na mai-deklara bilang ‘persona non grata (PNG)’ ang mga teroristang grupo sa Palawan tulad na lmang ng New People’s Army (NPA).

Kaugnay ng panawagang ito ng Wescom, dalawang munisipyo na ang tumugon dito. Una ay ang Bayan ng Brooke’s Point kung saan ipinasa ng Sangguniang Bayan noong Marso 13, 2019 ang Resolution No. 2019-77A. Ito ay ang resolusyon na nagdi-deklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army Terrorists (CNTs) at kanilang mga organisasyon bilang ‘persona non grata’ sa Bayan ng Brooke’s Point. Nilagdaan naman ito ni Mayor Maryjean D. Feliciano noong Marso 18.

Sa press conference ng Wescom noong Hunyo 3 ay sinabi ni Captain Jordan Mijares, Chief Public Information Office ng 3rd Marine Brigade at miyembro ng Joint Task Force Peacock (JTFP) na nilagdaan na rin ni Mayor Romy L. Salvame ng Taytay, Palawan ang kahalintulad na resolusyon bago matapos ang buwan ng Mayo.

Dagdag pa ni Capt. Mijares na, positibo rin ang tugon ni Mayor Joselito O. Ayala ng munisipyo ng Quezon, Palawan para sa pagdi-deklara ng NPA bilang PNG.

Sa pagpupulong naman ng Palawan Provincial Peace and Order Council (PPOC) noong Abril 1 ay hiniling ni Narra Mayor Lucena D. Demaala, Presidente ng Mayor’s League of the Philippines-Palawan Chapter na kung maaari ay pag-usapan muna nila ng iba pang Alkalde sa Palawan ang hinggil sa usaping ito dahil nangangamba ito na baka sila ang balikan ng nasabing mga makakaliwang grupo.

Nagpasa rin ang PPOC ng resolusyon na nagdi-deklara sa mga teroristang grupo sa Palawan bilang PNG ngunit hindi pa ito nalalagdaan ni Gov. Jose Ch. Alvarez bilang Chairman ng PPOC, ayon kay Carol F. Nalus, LGOO ng DILG-Palawan at secretariat ng PPOC.

https://pia.gov.ph/news/articles/1022962

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.