NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
PATNUBAY DE GUIA
NDF-SOUTHERN TAGALOG
JUNE 10, 2019
Matapos pakinabangan ang Smartmatic bilang pangunahing kakutsaba ng COMELEC sa malawakang pandaraya at manipulasyon sa halalang 2019 para paboran ang mga kandidato ng administrasyon, iba naman ngayon ang sinasabi ni Duterte kaugnay sa katatapos na halalan.
Sa kanyang talumpati sa Davao City sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr (pagtatatapos ng buwan ng Ramadan), pinahayag ni Duterte sa harap ng mga kapatid nating Muslim na gusto niyang maghanap ng ibang kumpanya, kapalit ng Smartmatic, bilang bagong service provider ng vote counting machines para gamitin sa mga sususunod na halalan sa bansa. Dagdag pa niya na ang pagkakaroon ng mga aberya at pagpalya ng mga VCM’s na produkto ng Smartmatic ay naglagay sa pagdududa ng taumbayan sa “integridad” ng halalan.
Walang moral na otoridad si Duterte para manawagan sa pagkuha ng ibang kumpanya kapalit ng Smartmatic at sa Vote Counting Machine (VCM) na produkto nito. Si Duterte mismo ang pangunahing utak at nagbenepisyo sa paggamit sa Smartmatic sa pandaraya at manipulasyon para matiyak na mananalo ang kanyang mga alipures sa Senado. Ito’y isang maniobra para linisin ang kanyang maruming kamay at pagtakpan ang kanyang malaking pananagutan sa krimen ng pandaraya sa halalan.
Sinakyan na rin ni Duterte ang panawagan ng ilang grupo sa pagsasantabi sa Smartmatic at sa VCM nito para palitawin na maging siya ay para sa isang malinis at may “integridad” na halalan.
Laglagan sa mga kasapakat tatak at gawi ng mga sindikatong kriminal tulad ni Duterte Ang ikinikilos ngayon ni Duterte ay walang iba kundi “tatak at gawi” ng isang puno ng sindikato. Na matapos itulak at pakinabangan ang mga tauhan sa paggawa ng krimen, sa kalauna’y “ihuhulog” din ang mga ito lalo na kapag nalalagay sa alanganin. Gagawa ng mga maniobra at palusot para linisin at ilayo ang sarili sa krimen na ginawa ng kanyang mismomg binuong sindikato.
Ganito ngayon ang ginagawa ni Duterte. Sinisisi niya ang Smartmatic, sa mga naganap na pagpalya at aberya ng mga VCM, bilang dahilan kung bakit nabahiran ang “integridad” ng halalang 2019.
Napilitang gumawa ng mga maniobra si Duterte at dumistansya sa kanyang mga kasabwat matapos maisandal siya sa pader mula sa kabi-kabilang batikos at protesta ng taumbayan kaugnay sa malawakang dayaan sa katatapos na halalan.
Baho ng pandaraya ni Duterte sa Halalan 2019 patuloy na umaalingasaw
Patuloy na umaalingasaw ang bahong nalikha ng pakanang dayaan at manipulasyon sa halalang 2019 ng rehimeng Duterte. Mananatili itong pinakamarumi at pinakamabaho sa lahat ng mga reaksyunaryong halalang naganap sa bansa.
Hindi kayang pagtakpan ni Duterte ang kanyang pananagutan sa mga nangyaring dayaan sa halalang 2019 gamit ang mga maniobra sa propaganda at pagtuturo ng daliri sa iba bilang siyang nakagawa ng krimen . Sa mata ng taumbayan, siya ang nasa likod at pangunahing utak ng malawakang dayaan at manipulasyon ng boto, kasabwat ang COMELEC at Smartmatic, sa pamamagitan ng paglustay ng pondo ng bayan, kontrol sa mga ahensya ng ehekutibo, lokal na burukrasya at mersenaryong AFP at PNP.
Kailangang puspusang ilantad at papanagutin si Duterte bilang utak ng malaganap na dayaan at manipulasyon sa katatapos na halalan. Huwag natin siyang hayaang makawala sa pananagutan sa ginawa niyang malaking krimen sa taumbayan—ang pagkitil sa kagustuhan ng taumbayan na mailuklok sa pwesto gamit ang kanilang demokratikong karapatan sa pagpili ng mga taong inakala nilang maghahatid sa kanila sa tunay na pagbabago.
Dapat patuloy na igiit at ipaglaban ng taumbayan ang kanilang mga demokratikong karapatan at lehitimong interes laban sa tumitinding panunupil at pasismo ng tiranikong papet na rehimeng Duterte. Isanib ang mga pagkilos na ito sa isang malapad na kilusan para ibagsak ang rehimeng US-Duterte dahil sa patung-patong nitong krimen sa bayan.
Nananawagan ang NDFP-ST na suportahan at itaguyod ang pambansa-demokratikong rebolusyong bayan na isinusulong ng Partido at Bagong Hukbong Bayan bilang isang lehitimo at makatuwirang anyo ng pakikibaka ng taumbayan para ibagsak ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo. ####
https://www.philippinerevolution.info/statement/baho-ng-pandaraya-ni-duterte-sa-halalan-2019-patuloy-na-umaalingasaw/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.