Tuesday, May 28, 2019

CPP/Ang Bayan: Militar sa Las Navas, napalayas

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 21, 2019): Militar sa Las Navas, napalayas

MATAGUMPAY NA napalayas ng mga residente ng Barangay San Miguel, Las Navas ang mga sundalo ng 20th IB noong Mayo 10. Higit isang taon nang nakakampo ang mga berdugo sa komunidad. 

Kasunod ito ng organisadong pagbakwit ng mga residente at pakipagdayalogo sa lokal na gubyerno ng Las Navas, 20th IB at Department of Interior and Local Government noong Mayo 9. 

Sa araw na iyun, 60 residente ang nagmartsa mula San Miguel patungo sa sentro ng Las Navas. Tinangka ng mga sundalo na pigilan ang mga residenteng magsasaka sa Barangay San Jorge at pinilit silang “maglagbuk” pero hindi nagpasindak ang mga magsasaka. Malisyosong iniuugnay ng 20th IB ang mga magsasaka na mga tagasuporta ng Bagong Hukbong Bayan para bigyan-katwiran ang iligal nilang okupasyon sa baryo at panggigipit sa mga residente.

Hinarang din ng mga sundalo ang pambansang fact-finding mission na inilunsad noong Mayo 20-22 ng Katungod Sinirangan Bisayas, Karapatan at Rural Missionaries of the Philippines.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://www.philippinerevolution.info/2019/05/21/militar-sa-las-navas-napalayas/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.